Christmas party, bawal sa GCQ areas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Roel Osano (PNA)

Ipinagbabawal ang pagdaraos ng Christmas parties sa Metro Manila ngayong taon matapos mapagkasunduan ng mga alkalde ng rehiyon na isailalim ang buong National Capital Region (NCR) sa general community quarantine hanggang dulo ng taon, ayon sa pamahalaan noong Oktubre 19.

Nananatiling bawal ang mass gathering sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ alinsunod sa mga itinakdang patakaran ng Inter-Agency Task Force.

Nagkasundo umano ang lahat ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila na panatilihin ang pagpapa-iral ng GCQ sa Metro Manila hanggang Disyembre, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año said.

Aniya, “Under GCQ bawal pa ang parties. Ang ating NCR (National Capital Region), nagkasundo ‘yung ating mayors na under GCQ muna tayo, magluluwag lang para makasuporta sa ekonomiya pero hindi muna mag-MGCQ (modified GCQ). Konting tiis na lang ito.”

LATEST

LATEST