NCR mayors, nais panatilihin ang GCQ sa rehiyon hanggang dulo ng taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nais ng mga alkalde ng Metro Manila na panatilihin ang general community quarantine (GCQ) status sa buong rehiyon hanggang Disyembre 31, subalit mas magaan kung saan madali ang pagbiyahe at mga transaksyon, pati na rin ang maluwag na curfew restrictions.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia noong Oktubre 19 na ang community quarantine issue ay tinalakay noong nagpulong ang 17 alkalde ng Metro Manila at ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Garcia, kinonsulta tungkol sa usapin si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at sumang-ayon ito sa mungkahing GCQ na may mas magaang mga patakaran.

“Nag-stick talaga tayo na hanggang Dec. 31, GCQ ang buong NCR kasi pagdating sa ekonomiya, nakakapag-adjust naman tayo in capacity,” ani Garcia.

Magsusumite ang mga Metro Manila mayors ng rekomendasyon sa IATF. Isusumite naman ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon nito para sa pagpapasya.

Sa ngayon, maaari nang lumabas ang mga edad 18 hanggang 65 para sa non-essential trips.

Nakatakda naman ang mga lungsod at munisipalidad ng Kalakang Maynila, maliban sa Navotas, na paikliin ang curfew hours ngayong linggo mula 12 a.m. hanggang 4 a.m.

Inaasahang mas paluluwagin pa ito sa panahon ng Kapaskuhan.

LATEST

LATEST

TRENDING