IATF, pag-uusapan ang posibleng pagbabalik-operasyon ng motorcycle taxis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa susunod nitong pagpupulong ang posibilidad ng muling pagpapahintulot sa pagpasada ng motorcycle taxis, ayon sa vice chairman nitong si Interior Secretary Eduardo Año noong Oktubre 19.

Ayon kay Año, nagpasa na ng resolusyon ang Kamara tungkol sa nasabing isyu noong nakaraang linggo, kung saan nakapagsumite na rin ng kopya sa Office of the President at sa IATF.

“Kung ma-adopt ‘yan as a resolution sa IATF, then papayagan na rin ‘yung motorcycle taxi in the near future,” ani Año.

Dagdag pa nito, “Our IATF meeting will be on Thursday, so mata-tackle namin ‘yun… ‘Yan naman ang requirement ni (Transport) Secretary (Arthur) Tugade, ‘yung congressional resolution which is naipasa na nung October 16.”

Unang nag-endorso ang IATF sa House Transportation Committee na isang request mula sa mga alkalde ng Metro Manila na ipagpatuloy ang pilot study sa motorcycle taxis, na ipinahinto noong Abril. Sinuspinde ang operasyon ng mga motor taxi simula Marso, noong unang ipatupad ang coomunity quarantine.

Ang panukala ay alinsunod sa plano ng pamahalaan na unti-unting buksan ang sektor ng transportasyon, bagay na nakikitang solusyon para tugunan ang pagbangon ng ekonomiya.

Samantala, sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ire-require sa bawat motor taxi unit ang pagkakaroon ng barriers kung sakaling mapahintulutan na bumalik pasada.

“Kapag binuksan ang public transport sa motorsiklo, kailangan po ng barrier kasi sigurado tayo na hindi magkasama sa bahay yan kaya kailangan ng barrier,” giit ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Binaggit din ni Garcia ang posibilidad sa pagpapahintulot ng backriding sa mga tricycle, basta’t may nakalagay na barrier.

LATEST

LATEST