Mas mataas na passenger capacity, ipatutupad sa mga tren simula Okt. 19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3

Mas maraming bilang ng mga commuters ang makakasakay ng mga tren simula Lunes, Oktubre 19, alinsunod sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na taasan ang passenger capacity para sa lahat ng major train lines.

Ipinahayag ng DOTr noong Oktubre 18 na ang Metro Rail Transit Line 3, Light Rail Transit Lines 1 at 2, at Philippine National Railways ay tatakbo na sa 30 percent passenger capacity, mas mataas mula sa naunang 13 hanggang 18 percent.

Ito naman ay unti-unting itataas sa 50 percent sa hinaharap.

Dahil sa 30 percent capacity rule, maaari nang makapagsakay ang MRT-3 ng 372 pasahero bawat train set, mula sa kasalukuyang 153 passenger limit.

Inaasahan naman para sa magkaparehong LRT-1 at LRT-2 ang pagsasakay ng aabot sa 370 at 486 pasahero bawat train set.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na dahan-dahang buksan ang ekonomiyang naparalisa ng Covid-19 pandemic.

Bilang paghahanda sa implementasyon ng bagong panuntunan, inihahanda na ng DOTr ang social distancing marks sa loob ng mga tren.

Patuloy namang ipatutupad ang striktong health at safety protocols sa loob ng mga tren. Ang mga ito ay:

1. Pagsusuot ng face masks at face shields

2. Pagbabawal sa pakikipag-usap at pagtawag sa cellphone

3. Pagbabawal kumain

4. Pagpapanatili ng sapat na bentilasyon sa public utility vehicles

5. Madalas na disinfection

6. Hindi pagsakay ng symptomatic passengers

7. Pag-obserba sa tamang physical distancing rule

MRT, LRT, PNR TO GRADUALLY INCREASE PASSENGER CAPACITY TO ACCOMMODATE MORE COMMUTERS STARTING MONDAYMETRO MANILA –…

Posted by Department of Transportation – Philippines on Saturday, October 17, 2020

LATEST

LATEST

TRENDING