DOLE, mangangailangan ng aabot sa ₱13.7 bilyon para sa 13th month pay subsidy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOLE Secretary Silvestre Bello III

Posibleng mangailangan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng tinatayang ₱5 billion hanggang ₱13.7 bilyon para i-subsidize ang 13th month pay na mga empleyado ng micro and small enterprises, ayon sa pinuno ng ahensya.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 16 na mayroong 1.5 milyong manggagawa ang apektado dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic batay sa datos ng ahensya, habang may 5.1 milyong apektadong manggagawa naman ayon naman sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Dito ibinase ang estimated amount na kinakailangan para sa assistance, giit ni Bello.

Subalit, nilinaw ng kalihim na kailangan pang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of Finance ang planong pagbibigay ng sabsidiya.

Noong Biyernes, naglabas ang DOLE ng guidelines tungkol sa pagbabayad ng 13th month pay, kasabay pagdiin na hindi ito tatanggap ng anumang request para sa exemption o deferment.

Unang inabisuhan ng ahensya ang mga employers na bigyan ng 13th month pay ang kanilang mga manggagawa nang hindi lalagpas sa Disyembre 24 ngayong taon.

Noong nakaraang linggo, tinuligsa si Bello ng mga grupong manggagawa matapos nitong sabihin na pag-aaralan ng DOLE kung aling mga kumpanya ang maaaring i-exempt mula sa mandatoryong pagbabayad ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.

Ito ay matapos nitong ipahayag na ayon umano sa implementing rules and regulations ng PD 851, nakasaad na posibleng magkaroon ng exemption para sa mga establisyimentong nahihirapan o “distressed”.

LATEST

LATEST

TRENDING