DOLE, kumikiling na tulungan ang mga negosyo para makapagbigay ng 13th month pay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Labor Secretary Silvestre Bello III

Kumikiling ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng subsidiya para sa mga maliliit na negosyo para tulungan silang makapagbigay ng 13th month pay para sa kani-kanilang mga empleyado.

“This is just a proposal, it is not a commitment… I will propose a subsidy for them, pero this depends on kung saan ang fund source at kung mayroon talagang source,” ani Labor Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 18.

Dagdag pa ng kalihim, “May option din, in case walang makitang pondo, baka pwedeng ma-provide sila ng loan facilities, at least sa mga government banking institution.”

Unang inanunsyo ni Bello noong Oktubre 15 na hindi maaaring ihinto ang pamimigay ng 13th month o magbigay ng exemption sa anumang kumpanya

Bagama’t ikinatuwa ng ilang grupong manggagawa ang desisyon ng DOLE, inamin ng mga ito na kailangan pa ring tulungan ang mga negosyong nahihirapan bunsod ng epekto ng pandemiya.

Tinatayang nasa 3.5 milyong manggagawa sa bansa ang naapektuhan dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Batay sa datos ng DOLE, 200,000 katao ang permanenteng nawalan ng trabaho.

LATEST

LATEST

TRENDING