Salary hike ng gov’t nurses, posibleng isama sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Posibleng makakuha ng salary increase ang mga government nurses sa susunod na taon kung maaprubahan ang proposed special provision para sa nasabing increase sa 2021 national budget.

Isinulong ni Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal ang naturang proposal sa ginanap na House plenary debates noong Oktubre 15 tungkol sa proposed 2021 badyet ng Department of Health (DOH).

Sa ilalim ng proposal, ipatutupad ang mga sumusunod na salary grade adjustments:

  • Nurse 1- mula SG 11 patungo sa SG 15
  • Nurse 2- mula SG 15 patungo sa SG 17
  • Nurse 3- mula SG 17 patungo sa SG 19
  • Nurse 4- mula SG 19 patungo sa SG 20
  • Nurse 5- mula SG 20 patungo sa SG 22
  • Nurse 6- mula SG 22 patungo sa SG 24
  • Nurse 7- mula SG 24 patungo sa SG 25

Base sa ikalawang tranche ng Salary Standardization Law of 2019, na itinakdang ipatutupad sa Enero 2021, na katumbas ng minimum wage na P33,575 hanggang sa maximum na P98,886 para sa government nurses.

Nabuo ang proposal matapos ipanawagan ng mga nurses ang umano’y “demotion” ng non entry-level government nurses sa ilalim ng Department of Budget and Management (DBM) circular na nag-adjust sa nurse positions kasabay ng implementasyon ng salary hike para sa Nurse 1 position.

“The spirit of the law… is not only to upgrade the entry level salary of nurse one, but it should affect the salary of higher positions such as nurse 2 to 7,” ani Oaminal.

Dagdag pa nito, “We have to place a special provision of the General Appropriations Act of 2021. Because if we are going to file a legislation… it will probably take the next Congress to act on it favorably considering the lack of material time.”

Sinuportahan naman ni Committee on Appropriations Vice Chair Rep. Micaela Violago ang inihaing panukala.

“The DOH and I will support this proposal for the special provision for compensation adjustment of nurses,” wika ni Violago.

Samantala, maglalabas naman ng moratorium ang DOH tungkol sa implementasyong ng downgrading ng nurse positions sa ilalim ng DBM circular, giit ni Violago.

Sa ilalim ng Section 8 ng budget circular, ang mga nasa ilalim ng Nurse I at II will ay isasailalim sa posisyon ng Nurse I at makatatanggap ng Salary Grade 15. Ang mga nasa ilalim naman ng Nurse III ay ilalagay sa ilalim ng Nurse II at makatatanggap ng sahod ng SG 17.

Ang mga nasa ilalim ng Nurse IV ay magiging Nurse III at makatatanggpa ng SG 19 na sahod.

Panghuli, ang mga Nurse VII ay ipapabilang sa ilalim ng Nurse VI sa sahod ng SG 24.

“Habang hindi pa nagkakaroon ng finality sa usapin ng kung paano ita-trato ang demotion, dapat ito ay ‘wag munang ipatupad,” paglilinaw ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

“Mag-iissue nalang po ng moratorium ang DOH para matigil muna ang pag-sign ng ating mga nurses,” tugon naman ni Violago.

LATEST

LATEST

TRENDING