PRRD, sinertipakahang ‘urgent’ ang 2 panukalang kaugnay sa anti-money laundering at financial resiliency

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 16 ang agarang pagpapasa ng dalawang panukalang batas na layong paigtingin ang Anti-Money Laundering law at tiyaking matatag ang financial industry ng Pilipinas habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Nais ni Duterte na ipasa ang magkapares na House Bill No. 6174 at Senate Bill No. 1412 upang makapag-comply ang Pilipinas sa legal standards ng anti-money laundering at counterterrorism financing, na itinatag ng international bodies.

“Such compliance will avoid adverse findings against the country which could lead, among others, to increased costs of doing financial transactions, to the prejudice of the business sector and our overseas Filipino workers,” ayon kay Duterte sa hiwalay na liham kay House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III na inilabas sa media noong Oktubre 17.

Nais din ng pangulo ang agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 1849 o “An act ensuring Philippine Financial Industry Resiliency Against Covid-19 Pandemic.”

Ang hakbang ay “makapagpapaigting sa financial initiatives tungo sa national economic recovery at imentina ang katatagan ng financial sector sa gitna ng Covid-19 pandemic.”

Ang bills na sinertipiakahang urgent ay hindi kabilang sa patakarang dapat pag-aralan ng mga mambabatas ang panukala nang hindi bababa sa tatlong araw bago ito pagbotohan.

Ito na ang ikatlong beses na nagsertipika ang pangulo ng bill bilang urgent.

Noong Oktubre 14, ninais din nito ang mabilis na pagpapasa ng Senate Bill No. 1844 na layong bigyan ng awtoridad ang pangulo na pabilisin ang pagproseso at pag-isyu ng national at local permits, licenses at certifications.

LATEST

LATEST

TRENDING