Palasyo, sinabing ‘very close’ ito sa Beijing kasabay ng pagbabalik ng energy projects sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China

Sinabi ng Malacañang noong Oktubre 16 na mayroon itong “very close friendship” sa Beijing matapos alisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa petroleum exploration sa West Philippine Sea, upang makapagbalik-operasyon ang tatlong proyekto, kabilang ang posibleng joint venture sa China. 

Unang sinabi naman ni Energy Sescretary Alfonso Cusi noong Oktubre 15 na naipagbigay-alam na sa service contractors ang pagbabalik sa energy-related activities sa lugar na sinuspinde noong 2014 dahil sa sigalot sa teritoryo.

“Ang sabi naman po ni Secretary Cusi, ito pong paghahanap muli ng mga tanging-yaman sa West Philippine Sea ay posible dahil mayroon po tayong napakalapit na pagkakaibigan sa China,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inaangkin ng China ang ilang bahagi ng karagatan na pinaniniwalaang mayaman sa energy at marine resources. 

Noong 2019, sinabi naman ni Duterte na nag-alok ang Beijing ng controlling stake para sa isang joint energy venture sa South China Sea, kung isasantabi ng bansa ang international arbitral award na pumabor sa Pilipinas laban sa China.

Nagpatupad ang Pilipinas ng moratorium habang hinihintay ang kapasyahan ng isinampang kaso sa Permanent Court of Arbitration sa the Hague, na noong 2016 ay ibinasura ang pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea.

Ayon kay Cusi, ang desisyon para sa pagtanggal ng moratorium ay isinakatuparan alinsunod sa “good faith and with full regard of the ongoing negotiations between the Philippines and China, and Forum Ltd and the China National Offshore Corp” (CNOOC).

“Ang sabi nga po ni Secretary, the oasis of peace that the Philippine Department of Foreign Affairs and the Chinese Ministry of Foreign Affairs envisioned must also be an oasis of prosperity,” giit naman ni Roque. 

Dagdag pa nito, “For this to happen, the Philippines must restart its economy using the engine of energy resilience and security.”

Ang Forum, na isang unit ng PXP Energy Corp ng bansa, ay nagsasagwa ng operasyon sa Service Contract 72 na sakop ang gas exploration sa Reed Bank, na nakapaloob sa pinag-aagawang terirtoryo. Nagkaroon ng mga pagpupulong ang PXP sa CNOOC tungkol sa joint exploration at development sa lugar.

Dalawang iba pang exploration projects ang nabigyan naman ng go-signal, tulad ng SC 59 na nasa ilalim ng Philippine National Oil Company at SC 75, ng PXP.

“The lifting of the suspension places the service contractors under legal obligation to put capital into the contract areas and hire Filipino engineers and technical workers,” pahayag ni Cusi.

LATEST

LATEST