Lacson: Iligal para sa Kamara kung aamyendahan ang badyet matapos itong ipasa sa 3rd reading

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Panfilo “Ping” Lacson

Iligal aniya kung aamyendahan ang national budget matapos itong ipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa, ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson matapos magplano ang mga mambabatas na magsingit ng mga amendments matapos ang printing ng nasabing bill.

Nangako ang Kamara na ipapasa ang P4.5-trilyong 2021 budget sa pinal na pagbasa sa Oktubre 16, subalit nakatanggap ng impormasyon ang mga senador na ang printed copy ng bill ay maisusumite lamang sa Senado sa Nobyembre 5 dahil nais umano ng mga mambabatas ng mas maraming amendements sa post-plenary proceedings.

“House leaders should be reminded of the constitutional provision that prohibits further amendments on any legislative bill after approval on third and final reading,” ani Lacson.

Dagdag pa nito, “Are they planning to violate the Constitution, so that, while fulfilling their promise to the President to finally approve the measure on the last day of special session or today, they can still make insertions in the finally approved version of the budget measure?” he said.

Nakatakdang tapusin ng Mababang Kapulungan ang deliberasyon sa gitna ng buwan, subalit naantala ito dahil sa sigalot sa House Speaker.

Hinihikayat ng mga senador si bagong House Speaker Lord Allan Velasco na ipasa ang badyet sa Senado ngayong buwan dahil kinakailangan ng apat na linggo para busisiin ito at alisin anng mga iligal na insertions sa badyet.

“Give or take, it takes one week to print, November 5 is far off from October 16,” wika ni Lacson.

Iginiit ng senador na hindi simpleng aaprubahan ng Senado ang bersyon ng Kamara.

“[It] will not happen,” diin ng senador.

LATEST

LATEST

TRENDING