Imee Marcos, nag-sorry sa paglalarawan sa DevCom bilang ‘makaluma’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Imee Marcos

Humingi ng paumanhin si Sen. Imee Marcos noong Oktubre 15 dahil sa paglalarawan nito sa development communication bilang “cute” at “archaic” o makaluma, matapos sabihin ng mga practitioners na mananatiling importante ang kanilang propesyon habang patuloy ang kurapsyon sa pamahalaan.

“Papaumanhin lang ako. Ang init-init ng ulo namin noon. Medyo talagang ayaw namin iyong ibang pangyayari,” giit ni Marcos.

Ayon sa senadora, naging “largely debunked” umano ang DevCom nang kwestyunin nito ang Development Communication Program ng Philippine Information Agency sa ginanap na budget hearing noong Oktubre 13.

Aniya, “Bakit tayo papasok sa DevCom unless you have a revolutionary idea na bagong-bago na involves all kinds of feedback mechanisms, transparency efforts and interactive play? ‘Pag walang ganoon ano iyong DevCom? Makaluma na, tinaggal na sa ating mga pamantasan. Wala na iyon eh.”

Nang sabihing importanteng field of study pa rin ang DevCom, sumagot naman si Marcos na: “I would really like to understand the nitty gritty of this Development Communication program because it’s so old-fashioned. It’s sort of cute and archaic.” 

“Ang nangyari d’yan kasi, ang gustong-gusto naming marinig e magkaroon ang PIA, ang PTV-4 kung papaano natin gagamitin ang TV and radio para sa ating mga mag-aaral,” dagdag pa ng senadora.

Samantala, ayon naman kay De La Salle University political science professor Antonio Contreras na nagturo ng DevCom, layunin ng kurso ang magsulong ng mahalagang partisipasyon, magsagawa ng pagbabago sa lipunan, at ipaunawa ang agham.

Isa umanong insulto ang pagtawag ng senadora rito bilang “archaic” o makaluma.

LATEST

LATEST