Non-essential foreign travel para sa mga Pinoy, puwede na simula Okt. 21: IATF

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Rudy Santos (The Philippine STAR)

Aalisin na ng pamahalaan ang ban para sa non-essential travel ng mga Pilipino simula Miyerkules, Oktubre 21, alinsunod sa striktong requirements.

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) spokesman Harry Roque noong Oktubre 16, inaprubahan na ng IATF ang pagtatanggal sa travel restrictions sa huli nitong pagpupulong.

Dapat aniyang magpresenta ang mga Pilipinong nagbabalak umalis ng bansa ng confirmed round trip ticket pati na rin ng karampatang travel at health insurance para sa tourist visa holders. Kinakailangan ding sundin ang mga patakatan ng mga nagsisipaguwiang OFWs sa kanilang pag-uwi, na kinabibilangan ng pagsasailalim sa quarantine sa loob ng dedicated isolation facilities habang naghihintay ng negatibong swab test result.

Ang mga lalabas ng bansa ay dapat ding maglagda ng immigration declaration bilang pagkilala sa mga bantang kaakibat ng pagbiyahe, pati na rin ang pagsusumite ng “negative antigen test result taken within 24 hours before departure,” kung saan alinsunod ito umano sa Department of Health guidelines ayon kay Roque.

Sinabi naman ni national COVID-19 task force chief implementer Carlito Galvez, Jr. noong Oktubre 15 na kasalukuyang ine-evaluate pa ang antigen test pilot study sa Baguio City bago gamitin ang sistema nang malawakan.

Ang antigen tests ay nakapaglalabas ng mas mabilis na resulta kumpara sa polymerase chain reaction (PCR) tests, na nagtatagal ng ilang araw.

Samantala, pinapahintulutan din ng pamahalaan ang mga travel agencies at tour operators na magbukas sa Metro Manila at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine simula Oktubre 16. Limitado ang operasyon sa 50 percent para sa GCQ areas, subalit pinapagayan naman ang full capacity para sa mga ahensyang matatagpuan sa mga lalawigan na nasa ilalim ng modified GCQ, batay sa huling mga pamantayang inilabas ng Trade department.

Inalis din ng IATF ang ban para sa mga taong bumibiyahe mula sa isang GCQ area patungo sa MGCQ area kahit hindi ito opisyal na biyahe o kaugnay ng trabaho.

LATEST

LATEST

TRENDING