Duterte, gustong paigtingin ang panghuhuli sa mga kriminal na naka-motorsiklo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kanyang talumpati sa publiko noong Oktubre 14, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumataas ang antas ng krimen sa bansa kasabay ng muling pagbubukas ng ekonomiya bunsod ng pagpapagaan sa quarantine protocols.

Pinuntirya ng pangulo ang mga kriminal na nakasakay sa motorsiklo dahil mahirap umanong hulihin ang mga ito.

Aniya, “Pag nakapatay sila, derecho sakay.”

This is very hard to control. I understand the nightmare the police are facing [on] how to control the mobility of the criminal, right after committing a crime (Mahirap itong kontrolin. Nauunawaan ko ang bangungot na kinakaharap ng kapulisan para kontrolin ang paggalaw ng kriminal, pagkatapos nitong gumawa ng krimen),” dagdag pa ng pangulo.

Dahil dito, mas maraming pulis umano ang dapat sumailalim sa motorcycle-riding courses.

Dapat din aniyang taasan ang bilang ng mga sasakyan na gagamitin ng mga pulis.

“If we can train the highway patrol and train about siguro, in one class 30,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “We’d have to increase the mobile capacity ng police ‘tsaka we can buy motorcycles.”

LATEST

LATEST

TRENDING