Antiporda, magbibitiw lamang kung ipag-uutos ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DENR Undersecretary at Spokesperson Benny Antiporda
Kuha ni: Henzberg Austria (Senate PRIB)

Inabisuhan ni Environment Undersecretary at Spokesperson Benny Antiporda ang kanyang mga kritiko noong Oktubre 15, na ipinananawagan ang kanyang pagbibitiw, na sumulat ng reklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte, habang iginiit na agad siyang bababa sa puwesto kung naisin ito ng pangulo.

Aniya, “You can write to the President or you can make a complaint against me. Now, if the President says I should leave my post, then I will do it (Puwede kayong sumulat sa pangulo o magsampa ng reklamo laban sa akin. Kung sasabihin ng pangulo na dapat na akong umalis, gagawin ko ito).”

“Wala pong problema ‘yan,” dagdag pa ni Antiporda.

Ito ang naging komento ng opisyal matapos maglabas ng maanhang na pahayag ang Geographic Society ng University of the Philippines laban sa kanya, na ipinanawagan ang kanyang resignasyon dahil aniya sa kanyang “ill-fitting background for the job” pati na rin ang pagbabalewala sa opinyon ng iba pang mga siyentipikong Pilipino.

Unang umani ng pambabatikos ang opisyal mula sa netizens at practicians matapos nitong akusahan ang mga eksperto mula UP na mga “bayaran” dahil milyun-milyon umano ang ibininayad ng pamahalaan para sa consultation services ng unibersidad.

Ayon naman sa GSUP, mas makabubuti para sa accountability kung magbibitiw si Antiporda sa puwesto, upang mabigyan ang “mas kwalipikadong kandidato” na makapagtrabaho sa ahensya.

Dahil dito, humingi ng paumanhin si Antiporda.

Inamin din ng opisyal na hindi siya isang siyentipiko at ang kanyang mga huling naging pagdepensa tungkol sa kontrobersyal na Manila Bay “white beach” project, at batay sa konsultasyon niya sa iba pang mga empleyado ng DENR.

Aniya,  “I’m not a scientist, yes. This is based on statements also of our experts in the department (Hindi ako scientist, oo. Nakabatay ito sa mga pahayag ng ating mga eksperto sa departamento).”

LATEST