Velasco, ‘nangakong’ ipapasa sa huling pagbasa ang 2021 badyet sa Okt. 16: Sotto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Lord Allan Velasco

“Nangako” si bagong House Speaker Lord Allan Velasco na ipapasa ng Mababang Kapulungan ang P4.5-trilyong 2021 budget bago magsuspinde ng sesyon ang Kamara na magtatagal ng isang buwan, ayon kay Senate President Vicente Sotto III said Wednesday.

Ayon kay Sotto, nakipag-ugnayan sa kanya si Velasco noong Oktubre 13, ilang oras matapos ratipikahan ng mga kongresista ang pagiging Speaker nito.

No protocol necessary but we agreed to meet soon to discuss legislative matters (Wala nang protocols subalit nagkasunod kaming magkita para pag-usapan ang mga panukala),” ani Sotto.

Nang tanungin kung kailan gaganapin ang nasabing meeting, sinabi ni Sotto na: “After Friday when he promised to pass budget on third reading as he told me.”

Noong nakaraang linggo, “nangamba” ang mga senador na posibleng maantala ang pagpapasa ng badyet matapos mabilis na suspendehin ni noo’y Speaker Alan Peter Cayetano ang sesyon hanggang Nobyembre, o mas matagal ng isang buwan matapos ang unang itinakdang target date ng pagpapasa ng bill sa Senado.

Umaasa si Sotto na magkakaroon ng magandang relasyon ang dalawang sangay ng Kongreso bunsod ng pagkakaluklok ni Velasco bilang Speaker.

“We had good relationships with the past leadership,” ani Sotto.

Muling nagbalik ang sesyon ng Kamara noong Oktubre 13 matapos iboto ng 186 na mga mambabatas si Velasco bilang bagong Speaker.

LATEST

LATEST

TRENDING