Opisyal na nagsabing ‘bayaran’ ang mga eksperto ng UP, humingi ng tawad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Environment Undersecretary Benny Antiporda
Kuha ni: Edd Gumban (The STAR)

Humingi ng tawad noong Oktubre 15 si Environment Undersecretary Benny Antiporda sa University of the Philippines (UP) matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa paglalarawan nito sa mga eksperto ng nasabing unibersidad bilang mga “bayaran” kaugnay sa isyu ng Manila Bay white sand beach project.

Aniya, “I would like to start my statement with an apology to the UP as a whole. First, it is not intended to destroy the good name of the university itself.”

“This is just to send a message to the UP MSI [Marine Science Institute] that we’re partners here,” dagdag pa ni Antiporda.

Unang binanatan ni Antiporda ang UP marine science experts at sinabing “walang karapatan” ang mga ito na maging kritikal sa Manila Bay beautification project.

Inilarawan din ng opisyal bilang mga “bayaran” ang mga nabanggit na siyentipiko dahil umano sa pagtanggap ng milyun-milyong piso bilang consultation fees.

“I apologize because talagang natangay din po ako ng emotions ko kahapon dahil po medyo masakit po e,” giit ni Antiporda.

Dagdag pa nito, “Hindi po akong pulitikong tao kaya ganun.”

“We want something good for the people. When it comes to this project po kasi, dati basura ito, ngayon po buhangin,” paliwanag nito.

Tinanggap naman ni UP MSI director Laura David ang paghingi ni Antiporda ng paumanhin at sinabing walang “bad blood” sa pagitan ng dalawang institusyon.

“Wala naman pong bad blood between DENR and UP,” wika ni David.

Subalit, sinabi naman ni Antiporda na dapat idinulog muna sa DENR ng mga UP experts ang kanilang mga hinanaing bago nito tuligsain ang Manila Bay project at pag-broadcast nito sa media.

“But in this situation kung saan partners po kami, we could have been flagged kaagad as early as possible, saying mali kayo,” diin nito.

LATEST