Lacson, kinuwestyon ang P67-B pondo ng DPWH sa 2021 badyet nito para sa paggawa ng multi-purpose buildings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Sen. Panfilo Lacson

Kinuwestyon ni Sen. Panfilo Lacson noong Oktubre 14 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa P67-bilyong alokasyon nito para sa pagtatayo ng mga multi-purpose buildings sa susunod na taon, kung kailan inaasahan pa rin sa pamahalaan ang pagsasakatuparan ng mga proyektong tutugon sa Covid-19 pandemic.

Sa katunayan, ang tema ng 2021 badyet na ginawa ng executive branch ay “reset, rebound, and recover,” diin ni Lacson sa Senate hearing para sa proposed DPWH budget. 

Aniya, “Hindi ko makita how it would contribute to ‘reset, rebound and recover.'”

Humihingi ang DPWH ng P667.32-bilyong badyet para sa 2021, isa sa mga pinakamalaki sa mga ahensya ng executive departments, habang sinisikap ng gobyerno ang pagsasagawa ng malawakang infrastructure program para lumikha ng mga trabaho ngyong panahon ng krisis.

Ayon naman kay DPWH Secretary Mark Villar, ang mga alokasyon ng ahensya sa ibinatay sa “analysis of operations.”

“We received many requests from various sectors for these buildings,” ani Villar.

Dagdag pa nito, “There is a need to service them somehow so we do take it into account… We wanted to do pump priming in the countryside in communities that are hard to reach.”

Samantala, pinuna rin ni Lacson kung bakit tinaggal ang P8 bilyon na nakalaan para sa paggawa ng mga kalsada patungo sa mga tourism destinations.

“Ang hardest-hit ‘yung tourism sector. Bakit binawasan pa ng P8 billion?” tanong ng senador.

Dagdag pa nito, “It doesnt make sense na ‘yung tourism tinamaan ng Covid, ‘yun pa ‘yung binawasan natin.”

Tugon naman ni Villar, naglaan na ang DPWH ng P104 bilyon para sa construction ng tourism-related roads mula 2016 hanggang 2020.

Aniya, “We have to see that there are also other priorities that we have to accommodate.”

“Tourism, overall, received a big boost… P15 billion in 2021 we feel is a significant amount and substantial,” dagdag pa ng kalihim.

Napansin din ni Lacson na bagama’t nakatanggap ang mga lokal na proyekto ng P52.84-bilyong increase, nabawasan naman umano ng mahigit P11 bilyon ang pondo para sa national roads at mga tulay.

“What we see is a mangling of the entire appropriations in the agency,” diin ni Lacson.

Dagdag pa ng sendor, “In general, ang nakita naming lumobo ay ‘yung mga local projects at ‘yung malalaking nabawas is ‘yung national projects.”

Sinabi naman ni Vilalr na ang bawat komunidad sa bansa ay “may kanya-kanyang pangangailangan” at sa mga “requests” na ito nakabatay ang alokasyon ng DPWH.

Binanggit naman ni Lacson kay Villar na ang ilang mga proyekto, tulad ng construction o repair ng school buildings, ay dapat aniyang tanggalin na mula sa badyet ng ahensya sapagkat kabilang na ito sa pondo ng iba pang mga departamento.

Aniya, “Para ‘di na lumobo budget ninyo, ilagay na lang sa DepEd ang naka-lodge sa DPWH, kayo rin naman mag-implement.”

“It becomes confusing there’s a budget lodged with DPWH and another item, the same program na nasa DepEd naman,” dagdag pa ng senador.

Sumang-ayon naman ang kalihim sa “very sensible proposal” ni Lascon at sinabing, “we can make the necessary adjustments.”

LATEST

LATEST

TRENDING