Malacañang: Duterte, tinanggap ang paghingi ng kapatawaran ni Cayetano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Alan Peter Cayetano

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng kapatawaran ni dating Speaker Alan Peter Cayetano para sa kanilang bangayan ni incumbent House Speaker Lord Allan Velasco na nagbanta sa maagang pagpapasa ng P4.5 trilyong 2021 national budget, ayon sa Malacañang noong Oktubre 14.

Sa pakikipagpulong nito sa pangulo, humingi ng paumanhin si Cayetano dahil sa pag-iisip nitong manatili bilang Speaker hanggang maipasa ang 2021 badyet, taliwas sa nakasaad sa term-sharing deal nila ni Velasco kung saan nakatakda itong mag-resign bilang Speaker ngayong buwan, ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Tila naging isang “ama” naman aniya para kay Cayetano at Velasco si Duterte sa naganap na meeting, dagdag pa ni Roque.

Aniya, “Of course, a father would accept apology from a son. All is well that ends well.”

Noong Oktubre 13, pinalitan ni Velasco si Cayetano bilang Speaker bunsod ng pagboto sa kanya ng 186 na mga kongresista mula sa kabuuang 299 na mga miyembro ng Mababang Kapulungan.

Nagkasundo naman ang parehong Cayetano at Velasco nang humarap ito sa pangulo.

The President was very appreciative of the cooperation of both parties and he appreciated the fact that Congress is now focusing on the budget because that has been his call from the very beginning (Nagagalak ang pangulo sa kooperasyon ng dalawang panig at natutuwa rin itong nagpopokus na ang Kongreso sa badyet sapagkat ito ang panawagan niya simula noon),” wika ni Roque.

Dagdag pa, “There is still one very strong and very big majority party in support of the administration of President Duterte and of course the President is very appreciative of this (May isang matatag at malaking mayoryang nakasuporta sa administrasyong Duterte at ikinatutuwa ito ng pangulo).”

LATEST

LATEST

TRENDING