Velasco, pinalitan na si Cayetano bilang House Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
bagong House Speaker Lord Allan Velasco

Pinalitan na ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco noong Oktubre 13 si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker matapos ihalal si Velasco sa Batasang Pambansa ng kanyang mga kapwa kongresista.

186 na mga representante ang bumuto para ratipikahan ang pagluklok kay Velaco bilang Speaker, isang araw matapos maganap ang paghalal sa kanya sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City, kung saan hindi ito kinilala ng mga kaalyado ni Cayetano.

Ang pag-upo ni Velasco bilang Speaker ay hudyat ng pagwawakas sa sigalot sa House Speakership, kung saan kinailangan pang mamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte para umapela sa mga mambabatas na isantabi ang pamumulitika at sa halip ay bigyang prayoridad ang 2021 badyet.

Tinanghal na Speaker si Velasco noong Oktubre 13 kasabay ng muling pagbabalik ng budget deliberations matapos sertipikahang “urgent” ng pangulo ang badyet.

Ang proklamasyon ng pangulo ay nangyari matapos lumitaw ang mga pangamba ng posibleng pagkaantala ng 2021 badyet matapos agarang suspendehin ni Cayetano ang House session noong nakaraang linggo.

Bagama’t ipinasa sa ikalawang pagbasa, pinutol ni Cayetano ang talakayan para sa badyet ilang araw bago ito itinakdang bumaba sa puwesto bilang House Speaker alinsunod sa  “gentleman’s agreement” nila ni Velasco.

LATEST

LATEST

TRENDING