PH, kumikiling sa deklarasyon ng climate emergency: DENR Secretary

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Environment Secretary Roy Cimatu
Kuha ni: Erik de Castro (Reuters)

Lahat ng mga programa at inisyatiba ng pamahalaan ay para sa deklarasyon ng climate emergency, ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu.

Sa inilabas na pahayag nitong weekend, sinabi ni Cimatu, na siyang chairperson ng Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction, na ang pagdedeklara ng climate emergency ay makatutulong para palalimin ang pangako ng bansa na protektahan ang ekonomiya at kalikasan mula sa banta ng climate change.

The Philippines has already suffered billions of losses, damages and disruptions due to the impacts of hydrometeorological hazards, so there’s an urgent need to address more projected adverse impacts to ensure climate justice for the current and future generations of Filipinos (Bilyun-bilyon na ang nawala sa Pilipinas dahil sa hydrometeorological hazards, kaya dapat tugunan ang masasamang epekto nito para tiyakin ang climate justice para sa kasalukuyan at sa bagong henerasyon ng mga Pilipino)” ani Cimatu.

Dagdag pa ng kalihim, “All government programs and initiatives are leaning towards the declaration of climate emergency (Ang lahat ng programa at inisyatiba ng pamahalaan ay nakatuon sa deklarasyon ng climate emergency).”

Inprubahan umano ng Cabinet cluster on climate change ang mga resolusyon na layong suportahan  ang mga estratehiya para sa pag-abot ng mga layunin ng Pilipinas sa ilalim ng Paris Agreement, isang international deal para ipatupad ang paglilimita sa global temperature increase na 1.5°C mahigit sa preindustrial levels.

Kabilang dito ang panawaggan para sa konsolidasyon ng datos ng pamahalaan para sa pagsasakatuparan ng nationwide climate risk assessment.

Nauna namang tiniyak ng Malacanang na ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suhestyon ng environmental group na Greenpeace Philippines, na ipinanawagan ang pagdedeklara ng climate emergency.

LATEST

LATEST

TRENDING