Paolo Duterte, ibinoto bilang chairman ng House Committee on Accounts

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Rep. Paolo Duterte

Hinalal ng mga kongresista si Davao City Rep. Paolo Duterte bilang chairman ng House Committee on Accounts sa unang sesyon sa ilalim ng bagong liderato ng Mababang Kapulungan noong Oktubre 13.

Pinalitan ng presidential son si Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Si Deputy Majority Leader Juan Paolo Bondoc ang nag-nominate kay Duterte na kinalaunan ay inaprubahan din ng Kamara.

Sa ilalim ng term-sharing agreement sa pagitan ni bagong House Speaker Lord Allan Velasco at ang kanyang karibal na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, isang bagong chairman ng accounts committee ang dapat ihalal alinsunod sa pagbabago ng liderato.

Responsibilidad ng komite ang mga usapin ukol sa internal budget ng Kamara. Ang nakababatang Duterte ay hinalal sa unang araw ng special session na ipinatawag ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte upang mapabilis ang pagpapasa ng 2021 national budget.

Ang nasabing special session ay magaganap mula Oktubre 13 hanggang 16. Ang agarang pagpapasa ng 2021 badyet sa ikalawang pagbasa at pagsupinde ng sesyon hanggang Nobyembre 16 ang nag-udyok sa pangulo na sertipikahang “urgent” ang panukalang badyet at magpatawag ng isang special session.

Ayon naman kay Velasco na nag-preside sa sesyon, tapos na ang kanyang sigalot kay Cayetano matapos makipagpulong ang dalawa kay Pangulong Duterte sa Malacañang. Ayon sa Palasyo, nagkasundo sina Cayetano at Velasco na magkaisa “bilang isang mayorya” para tiyakin ang maagang pagpapasa ng 2021 badyet, kung saan kabilang dito ang pondo para sa isinasagawang Covid-19 response ng bansa.

Ibinasura ng Kamara ang approval nito sa ikalawang pagbasa at muling ibinalik ang plenary debates tungkol sa badyet. Layunin ng Kamara na maipsa ito sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Buuyenres, Oktubre 16.

LATEST

LATEST

TRENDING