Kamara, muling binuksan ang 2021 budget deliberations sa ilalim ng bagong liderato

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Muling binuksan ng Kamara noong Oktubre 13 ang deliberasyon nito para sa 2021 national budget ilang oras bago ihalal ng mga mambabatas si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong House Speaker.

The House reconsiders [the] second reading approval of House Bill 7727 or the 2021 General Appropriations Bill. The period of sponsorship and debate as well as the period of amendments are also reconsidered (Ibinabasura ng Mababang Kapulungan ang pag-apruba ng House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Bill sa ikalawang pagbasa. Nirekonsidera rin ang period of sponsorship at debate pati na rin ang period of amendments),” pahayag ng Kamara sa isang tweet.

Sa kasagsagan ng iringan sa speakership noong nakaraang linggo, agarang ipinasa ni noo’y Speaker Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang 2021 badyet sa ikalawang pagbasa, at pinutol kinalaunan ang deliberasyon para maiwasan aniya ang “pamumulitika at pangsasabotahe”.

Ito ay kasabay ng paggiit ni Velasco para sa pagpapatupad ng kanilang term-sharing agreement ni Cayetano, na layong iantala nito dahil umano sa badyet.

Ito naman ay nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na makialam, kung saan sinertipikahan nitong “urgent” ang panukalang 2021 badyet para matiyak ang agaran nitong pagpapasa.

LATEST

LATEST