Cayetano, sinabing suportado pa rin ito ng 200 na kongresista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Ipinahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sinusportahan pa rin ito ng 200 mula sa 297 na mga kongresista ng Kamara, mas marami sa 186 na mga mambabatas na bumoto kay Rep. Lord Allan Velasco bilang Speaker, sa naganap na botohan sa Celebrity Sports Plaza noong Oktubre 12.

“If we’re going to honor that (Velasco bilang Speaker), then it’s just like we’re in a banana republic,” giit ni Cayetano, habang sinasabing hindi kabahagi ang mga mambabatas sa binuong term-sharing agreement ni Velasco.

Dagdag pa nito, “Paulit ulit na lang sila – palabra de honor. They are calling for revolutionary government.”

Ayon kay Cayetano, ang pagtanggi ng kanyang mga kaalyado sa inalok nitong resignasyon noong Setyembre 30 ay hudyat ng pagbabasura sa nabuong term-sharing deal sa pagitan nila ni Velasco.

200 House members aniya ang  “naglagda ng manifesto” pabor kay Cayetano, kung saan inilabas ito ni House Majority Leader Martin Romualdez ng Leyte – na umuupong pangulo ng Lakas-CMD party.

The 200 lawmakers said they were declaring their common desire to heed the call of President Duterte and the entire nation for the swift passage of the 2021 budget that is relevant and responsive to the needs of our people as we face this crossroads of history (Idinedeklara ng 200 na mambabatas ang kanilang hangarin na sundin ang panawagan ni Pangulong Duterte at ng buong bansa para sa agarang pagpapasa ng 2021 badyet na tutugon sa pangangailangan ng taumbayan sa puntong ito ng ating kasaysayan),” wika ni Cayetano.

We therefore call on Congressman Velasco to respect the collective desire of his peers to allow the continuation of Speaker Cayetano’s exemplary leadership (Nanawagan kami kay Cong. Velasco na igalang ang kagustuhan ng kanyang mga kapwa kongresista para sa pagpapatuloy ng mahusuay na pamumuno ni Cayetano),” pahayag ng mga pro-Cayetano congressmen sa nasabing manifesto.

Samantala, nilinaw ni independent opposition Rep. Edcel Lagman ng Albay, na dapat iboto si Velasco bilang Speaker sa plenary session at hindi sa isang “rump assembly.”

A Speaker must be elected when the House is in session in open and public plenary proceedings (Dapat ihalal ang isang Speaker habang nasa sesyon ang Kamara at nagsasagawa ng public plenary proceedings),” wika ni Lagman.

LATEST

LATEST