Velasco, hinalal bilang bagong House Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Ibinoto ng 186 na mga mambabatas, o mayorya ng 299 na mga miyembro ng Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang panibagong House Speaker sa isang sesyong inilarawan ng mga kaalyado ni Rep. Alan Peter Cayetano bilang “illegal.”

Ang paghalal kay Velasco ay naganap noong Oktubre 12 sa isang sesyon sa Celebrity Sports Complex sa Quezon City, bagama’t kinukwestyon ng kampo ni Cayetano ang ligalidad ng isinagawang botohan.

Sa nasabing pagtitipon, nagmosyon si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na ideklarang bakante ang posisyon ng Speaker. Pagkatapos nito, nagkaroon na ng botohan sa mga mambabatas kung saan 186 sa mga ito ang sumang-ayon para bakantehin ang pinakamataas na posisyon ng Kamara.

Ito naman ay sinundan ng pag-nominate kay Velasco bilang susunod na Speaker. Hindi pa malinaw kung legal ang paghalal kay Velasco.

Unang sinabi ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II na ang nangyaring pagtitipon ng mga kaalyado ni Velasco ay isang  “rump and illegal session” kung saan hindi ito saklaw ng House rules.

Ayon kay Gonzales, suspendido ang sesyon ng Mababang Kapulungan hanggang Nobyembre 16 at walang awtoridad mula sa plenaryo na mag-reconvene ang mga mambabatas sa Oktubre 12.

Unlike in the Batangas Session, there is no plenary Resolution authorizing to hold session in any other place other than in the Plenary in Batasan, contrary to the Constitution (Di tulad ng Batangas Session, walang plenary resolution na nag-aawtorisa na magdatos ng sesyon bukod sa Plenaryo sa Batasan, labag sa Konstitusyon),” ani Gonzales bilang pagtukoy sa sesyon ng Kamara sa Batangas matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal.

Dagdag pa nito, “All the maces, old and official, are currently in the possession and safekeeping of the [Sergeant-at-Arms]. These prove that what they are doing is clearly a rump and illegal session where the Rules of the House will not apply and can not be used.”

Sa pag-uumpisa ng ginanap na sesyon, sinabi naman ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, habang sumasangguni sa Konstitusyon at rules ng Kamara, na maaaring magdaos ng sesyon ang mayorya ng mga representante basta’t maabot nito ang quorum.

Binanggit din ng kongresista na mayorya ng mga dumalong mambabatas ay puwedeng makapagdaos ng sesyon kahit nasa labas ng session halls alinsunod sa Saligang Batas.

LATEST

LATEST

TRENDING