Tensyon, namumuo sa Kamara bago ang itinakdang special session para sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Magsisipagbalik-trabaho ang mga kongresista sa Martes, Oktubre 13, upang tugunan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa ang 2021 badyet sa Oktubre 16.

Subalit, hindi masasabing nagkakaisa ang mga mambabatas bunsod ng namumuong tensyon na nag-umpisa nitong weekend.

Noong Linggo, Oktubre 11, isang larawan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang naisapubliko kung saan kumakain ito kasama si Davao City Mayor Sara Duterte. Kuha ito noong Oktubre 9, parehong araw ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte na “urgent” ang budget bill at pag-uutos nito sa Kamara na magdaos ng special session mula Oktubre 13 hanggang 16.

Ayon sa kaalyado ni Velasco na si Rep. Doy Leachon, ang larawan ay nangangahulugan ng pag-endorso ni Mayor Duterte kay Velasco bilang susunod na House Speaker.

Agaran namang nagpatawag ng press conference ang kampo ni Cayetano noong Oktubre 11 ng hapon.

Sa nasabing briefing, ibinunyag ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na nagpaplanong pataksikin ng mga kaalyado ni Velasco si Cayetano.  

Aniya, “Makikita nyo na itong ang mga strongest supporters ni Lord Velasco na rallying congressmen on Monday to attend and have leadership change.”

“That’s a prelude na that they’re saying na guguluhin ba nila sa Tuesday ang session? Will they invoke leadership change on Tuesday which I think is not in tune with the President’s call. They can do whatever they want, but sila po ang lumalabag sa kagustuhan ng Pangulo at dapat managot po sila sa taong-bayan kung madelay po ang budget,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Leachon na maipapasa ng Kamara sa oras ang badyet.

“Granting it’s happening, everything is always thru the will of majority… But one thing is categorically clear, we are committed to finish the budget… which is from October 13-16,” giit ni Leachon.

Nang tanungin naman ito kung magmomosyon sa Oktubre 13 para sa pagpapalit ng House Speaker sa Oktubre 13, sinabi nitong: “Hindi”.

Samantala, binigyang diin naman ng Malacañang ang pangangailangan na ipasa sa oras ang badyet.

“Ipasa ang national budget. At hindi po nakikisali, nanghihimasok ang President sa pagpili ng House Speaker,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING