Nograles: 2021 bugdet delay, makaaapekto sa mga programa ng gobyerno kontra gutom

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ang pagkaantala sa 2021 budget proceedings ay makaaapekto sa mga programa ng pamahalaan kontra gutom, giit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Oktubre 12.

Nakatakdang magtipon-tipon para sa isang special session mula Oktubre 13 hanggang 15 ang mga kongresista matapos sertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2021 national budget.

Subalit, nais naman ng mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na patalsikin si incumbent  House Speaker Alan Peter Cayetano alinsunod binuong term-sharing deal ni Duterte para sa dalawang mambabatas noong 2019.

“Napakaimportante yung 2021 budget dahil dito nakapaloob ang pagtugon natin sa pangangailan ng ating mga kababyan lalong lalo na sa laban natin sa COVID, at syempre nakapaloob dito yung tungkol sa zero hunger natin,” ani Nograles.

Dagdag pa nito, “Ang bottomline dyan is jobs, the economy and we really need to build up the economy and get economic opportunities back…Di naman tayo pwede puro feeding program lamang, we have to empower the people to get back on their feet, feed their own families and to really make this economy work.”

Ang paggamit ng isang reenacted budget ay makaaapekto rin sa zero hunger programs ng gobyerno sapagkat “hindi nito maisasakatuparan ang mga bagong programa,” dagdag pa ng Cabinet Secretary.

Nakapaloob sa 2021 budget ang mga programa ng National Nutrition Council na kinabibilangan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na layong “wakasan ang lahat ng uri ng malnutrisyon”.

Kasama na rito ang enhanced partnerships laban sa gutom at kahirapan, support services para sa agrarian reform beneficiaries, Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, sustainable livelihood program ng social welfare department, school-based feeding program ng education department, at the food security program ng agriculture department, at iba pa.

LATEST