Mga kongresista, nagtatangkang iluklok si Velasco bilang House Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Dose-dosenang mga kongresista ang nagtipon-tipon noong Oktubre 12 ng umaga sa Celebrity Sports Complex sa Quezon City matapos ang isang manifesto na layong ideklarang bakante ang puwesto ng House Speaker, at ihalal bilang susunod na lider ng Kamara si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez, kaalyado ni Velasco, suportado umano ito ng mga numero.

Aniya, “Democracy dictates. It’s always of the numbers, the collective voice of congressman and congresswomen. With the gathering of all those who signed the manifesto physically and by Zoom later on, it is democracy at work (Demokrasya ang magdidikta. Numero ang labanan. Ang pagpirma ng manifesto ay manipestasyon ng demokrasya).”

“Therefore, venue should be out of the question where the House of Representatives’ structure na bato, semento would be secondary at this time for the numbers dictate that it is time for change [in the leadership],” dagdag pa nito.

Isang manifesto ng “solid majority” ng mga mambabatas ang natanggap ng media, kung saan ipinananawagan nito ang pag “assemble” at “pagboto” para ideklarang bakante ang House Speakership.

187 na mga kongresista ang nakalagay sa nasabing manifesto.

Kabilang sa manifesto ay mga kaalyado ni Velasco at mga lider ng partido sa Mababang Kapulungan na sina: Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, Valenzuela Rep. Eric Martinez, Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc, at Albay Rep. Joey Salceda ng PDP-Laban; Davao City Rep. Isidro Ungab ng Hugpong ng Pagbabago; Rizal Rep. Jack Duavit, Quezon Rep. Mark Enverga, Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition; at 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ng Party-list Coalition.

Kahit mga miyembro ng minority ay pinangalanan din sa nasabing manifesto. Ito ay sina: BUHAY Party-list Rep. Lito Atienza, Jr.,Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan ng Northern Luzon Alliance; Negros Occidental Rep. Jose Benitez ng Visayas bloc; Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng Mindanao bloc; Sulu Rep. Munir Arbison ng Nacionalista; at Cebu Rep. Raul del Mar ng Liberal Party.

Ayon naman kay Rep. Salceda, hindi bababa sa 90 kongresista ang nagtitipon na sa nasabing venue.

Unang itinakdang mag-convene ang mga mambabatas mula Oktubre 13 hanggang 16 para sa isang special session, upang muling isakatuparan ang plenary deliberations para sa 2021 national budget.

Idiniin naman ng mga kaalyado ni Cayetano na “bibigyang prayoridad ang badyet kumpara sa pulitika” para siguruhin ang maagang pagpapasa ng 2021 General Appropriations Bill.

LATEST

LATEST

TRENDING