Leachon: Huwag isakrpisyo ang health standards sa PUVs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Miguel de Guzman (The Philippine STAR)

Dahil sa ideyang muling pagbabawas sa physical distancing sa pampublikong transportasyon mula sa mga awtoridad, nagbabala ang isang health expert at dating miyembro ng COVID-19 task force na mas mabuting panatilihin ang kasalukuyang mga umiiral na patakaran sa physical distancing.

Hindi sang-ayon si Ex-IATF special adviser Dr. Tony Leachon sa panukalang unti-unting bawasan ang spacing ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Aniya, “If the same DOTr advisory na ile-lessen yung physical distancing to less than 1 meter, then I’m against it. We need to reopen the economy, but not to sacrifice the minimum public health standards.”

You want to reopen the public transport, there’s nothing wrong with it. But never relax on the minimum public health standards and the most important one is actually physical distancing of at least 1 meter (Gusto ninyong buksan ang public transport, walang mali rito. Subalit huwag sanang pagaanin ang minimum public health standards at ang pinakamahalagang physical distancing ng hindi bababa sa 1 metro),” dagdag pa nito.

Naunang sinabi ni Cabinet Secretary at IATF co-chair Karlo Nograles na nakikipag-usap sila sa mga health experts upang talakayin ang posibilidad ng pagbabawas sa required spacing ng mga commuters sa mga bus, tren, at jeepneys.

Kung hindi ito ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre, ipinatupad na sana ng Department of Transportation ang reduced distance sa pagitan ng mga commuters na 0.75 meter. Ito ay itinakdang bawasan pa sa 0.5 meter, at kinalaunan sa 0.3 meter.

“Maybe now is the time, nasa Phase 3 na rin tayo ng ating National Action Plan, na pag-usapan natin muli itong sinasabi nating capacities of our public transportation,” ani Nograles, na siya ring co-chair ng Inter-Agency Task Force noong Oktubre 9.

Ayon naman kay Leachon, ang muling pag-arangkada ng pilot study operation ng motorcycle taxis – isang proposal mula sa Metro Manila Mayors na inendorso rin ng IATF sa House of Representatives’ Transportation Committee noong Oktubre 6, ay maaaring hindi makapagbigay ng malaking epekto sa pagdadagdag ng available transport options, dahil kinakailangan pa umano rito ang pag-aaral upang mapatunayang kabahagi ito ng best practices.

“It would be counter-intuitive na magkadikit siya when you’re actually advocating na dapat 1 meter ang physical distancing not only for DOH but also for DILG,” wika ni Leachon.

Sinabi naman ni Transportation Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Libiran na ang ideya ng pagbabawas sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay kasalukuyang tinatalakay sa IATF, at susunod aniya ang ahensya sa anumang direktibang ipag-uutos ng grupo tungkol sa isyu.

LATEST

LATEST

TRENDING