Isyu sa liderato ng Kamara, tatalakayin lamang kung maipasa na ang 2021 badyet: Rep. Romualdez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Muling tatalakayin ang usapin tungkol sa liderato ng Kamara kapag maipasa na ang panukalang 2021 national budget, ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez noong Oktubre 11.

Aniya,”The budget before politics… Politics such as the Speakership issue will be tackled after the passage of the national budget to assure a smooth transition (Badyet muna bago pulitika… Ang pulitika tulad ng isyu sa Speakership ay tatalakayin matapos ang pagpasa ng badyet para tiyakin ang banayad na transisyon).”

Target umano ng mga mambabatas na ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang badyet sa Oktubre 16.

Noong 2019, bumuo ng isang term-sharing agreement si Pangulong Rodrigo Duterte para kay incumbent House speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco upang wakasan ang hidwaan sa pagitan ng dalawa nitong kaalyado. Subalit, parehong nakipagpulong ang dalawang kampo sa nakalipas na dalawang linggo tungkol sa naturang “gentlemen’s agreement” para igiit ang kanya-kanyang karapatan sa puwesto.

Nagdeklara naman si Cayetano ng session break bago ang itinakdang schedule ng break sa Oktubre 17 matapos aprubahan ang badyet sa ikalawang pagbasa.

Dahil dito, nagpatawag ng special session si Duterte upang muling mag-recovene ang Kamara sa Oktubre 13 hanggang 16 para maipagpatuloy ang deliberasyon sa badyet, na kanyang sinertipakahan bilang “urgent”.

LATEST

LATEST

TRENDING