PRRD, umaapela sa mga mambabatas na isantabi muna ang pulitika para maipasa ang budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na naghahangad ng pagbabago sa liderato ng Kamara na “isantabi ang pulitika, at ipasa muna ang badyet,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 12..

Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco noong Lunes ng tanghali sa isang events venue sa Quezon City para patalsikin sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano, na mayroong “gentleman’s agreement” kay Velasco hinggil sa turnover ng House Speakership ngayong buwan.

“Ang pakiusap ni Presidente sa mga mababatas ngayon na nagtitipon-tipon naman po: isantabi ang pulitika, ipasa ang budget,” ani Roque.

Dagdag pa nito, “Any talk of Speakership will delay the passage of the 2021 budget… Anything they do after the budget is the affair of the House of Representatives.”

Lumitaw ang mga pangamba tungkol sa delayed na pagpapasa ng 2021 national budget matapos suspendihin ni Cayetano noong Oktubre 6 ang sesyon ng Kamara hanggang Nobyembre 16. Kabilang sa panukalang badyet para sa susunod na taon ang pondo para sa Covid-19 response.

Bago ito, naipasa sa ikalawang pagbasa ang 2021 badyet, kung saan nagwakas ang deliberasyon para rito ilang araw bago ang itinakdang pagpapalit sa liderato ng Kamara.

Ang term-sharing deal sa pagitan nina Cayetano at Velasco ay binuo ni Pangulong Duterte noong 2019. Nakatakdang umupo si Cayetano bilang Speaker ngayong buwan alinsunod sa nasabing kasunduan. Siya naman ay papalitan ni Velasco na siyang magsisilbing Speaker para sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.

Kung hindi maipapasa ng mga mambabatas ang 2021 badyet sa Disyembre 31, gagamit ang pamahalaan ng reeanacted budget, kung saan wala itong probisyon tungkol sa mga programa kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING