Locsin at Chinese foreign minister, pisikal na nagpulong sa China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. at Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi

Nagpulong ang Pilipinas at China nitong weekend patungkol sa kung paano matutugunan ng dalawang pamahalaan ang entry and exit ng mga mamamayan nito sa kanya-kanyang mga borders, na kabilang sa mga “mahahalagang” industriya sa parehong bansa.

Ito ay kabahagi ng agenda sa 3-day official visit  ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China na magtatapos sa Oktubre 11.

Ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing plano ay inilalarawan bilang “fast lane for urgently needed personnel exchanges.” 

Sa isang pahayag, iginiit ng DFA na layunin ng naturang programa na “pangasiwaan, ng may karampatang proteksyon, ang paggalaw ng komunikasyon at personnel sa mga ‘crucial industries’, tulad ng business and trade, infrastructure, logistics, production, at technical services.”

Si Locsin at ang kanyang entourage ay sinalubong ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa Tengchong City, sa lalawigan ng Yunnan.

Ayon sa DFA, malalim ang naging talakayan nina Locsin at Wang tungkol sa “usaping seguridad sa rehiyon” kabilang na ang mga usapin tungkol sa ASEAN-China. Subalit, walang detalye ang ibinahagi.

Nagkaroon din ng bilateral discussion para palakasin ang Philippine-Chinese relations habang nasa gitna ng Covid-19 pandemic.

Sinabi rin ni Wang na patuloy na susuportahan ng China ang Build Build Build program ng Pilipinas.

LATEST

LATEST