Budget approval sa Okt. 16, malaki ang posibilidad: Rep. Yap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Posibleng ipasa ng Kamara ang panukalang 2021 national budget sa panahon ng ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa chairman ng House Committee on Appropriations na si Rep. Eric Yap noong Oktubre 10.

October 16 to pass the budget is very, very viable (Malaki ang tsansa ng pagpasa ng badyet sa Oktubre 16),” giit ni Yap.

Makikipagpulong naman si House Speaker Alan Peter Cayetano sa iba pang lider ng Mababang Kapulungan sa Oktubre 12 para talakayin ang mga plano hinggil sa pagbabalik ng budget hearings sa susunod na araw, dagdag pa ni Yap.

Dadalo aniya si Cayetano sa isang meeting na kasama sina House Majority Leader and Committee on Rules chairman Ferdinand Martin Romualdez, Deputy Speaker LRay Villafuerte, at iba pa.

Ayon kay Yap, may dalawang opsyon: i-withdraw ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa at buksang muli ang plenary debates, o ipasa ang badyet sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Oktubre 16, bago ang congressional break.

Sa isang Facebook live video noong Oktubre 10 ng hapon, binanggit ni Cayetano na mayroon ng caucus sa “majority members” na trabahuhin ang badyet nitong weekend.

Aniya,  “Ako, nakikiusap sa lahat isantabi muna natin ang pulitika, magtulong-tulong muna tayo sa budget.”

“At least ‘yung grupo namin, I can assure you, mga kababayan, we will be focusing on the budget,” dagdag pa nito.

Noong Oktubre 6, agarang ipinasa ni Cayetano ang General Appropriations Bill (GAB) sa ikalawang pagbasa at matapos ay sinuspinde ang sesyon ng Kamara hanggang Nobyembre 16.

Ang hakbang na ito ay tinitingnan bilang pagpigil kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na umupo bilang susunod na Speaker alinsunod sa binuong term-sharing deal ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Noong Oktubre 9, nagpatawag ng special session ang pangulo na itinakdang maganap sa Oktubre 13 hanggang 16 para sa pagpapasa ng badyet sa oras. Sinertipikahan din nitong urgent ang GAB.

Samantala, magkakaroon din ng caucus sa Lunes, Oktubre 11, ang mga senador para talakayin ang badyet, ayon naman kay Senador Miguel Zubiri said.

Kabikang sa proposed ₱4.5-trilyong national budget para sa 2021 ay pondo para tugunan ang Covid-19 pandemic, tulad ng sabsidiya para sa mga nahihirapang negosyo at perang pambili ng bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING