Bello: 13th month pay, hindi maaaring ipagpaliban

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Labor Secretary Silvestre Bello III

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 10 na hindi itensyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipanawagan ang pagsuspinde sa 13th month pay ng mga empleyado sa panahon ng Kapaskuhan dahil sa nararanasang krisis ng mga negosyo at industriya ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

Ito ay matapos tuligsain ng mga grupong manggagawa ang panukalang pagpapahintulot sa small and medium enterprises (SME) sa bansa na alisin ang bonus pay ng mga empleyado dahil sa nararanasang krisis pangkalusugan na nakaapekto sa libu-libong mga negosyo.

It is very clear under the law that the 13th month pay has to be paid on or before Dec. 25. That is the law. There is no way you can delay or defer the payment of 13 month pay (Malinaw sa batas na kailangang magbayad ng 13th month pay bago o sa Dec. 25. Ito ang batas. Hindi maaaring ipagpaliban ang 13th month pay),” paglilinaw ni Bello.

Dagdag pa nito, “I was misunderstood when I mentioned especially in the implementing rules and regulations, there is a provision which says that companies in distress are exempted from paying 13th month pay (Hindi ako naunawaan nang binanggit ko sa IRR na mayroong probisyon sa hindi kabilang ang mga nahihirapang negosyo sa pagbabayad ng 13th month pay).”

Sa isang virtual briefing noong Oktubre 8, sinabi ni Bello na plano nilang bumuo ng panukala para sa mga apektadong SMEs na pahintulutan ang pagpapaliban ng 13th month pay para sa kanilang mga manggagawa.

Dahil dito, tinatayang dalawang milyong manggagawa ang maaaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month ngayong taon, ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Subalit, idiniin ni Bello na ang suspensyon ng bonus ay hindi maaaring gawin maliban na lang kung ito ay pribadong kasunduan sa pagitan ng employer at empleyado. Non-negotiable aniya ang nasabing pagbibigay ng bonus maliban na lang kung nakararanas ng paghihirap ang kumpanya.

If there is any intention to postpone or delay the payment, that cannot be done legally unless it is a private transaction or agreement between the employer and employee (Kung may intensyon na i-delay ang pagbabayad, hindi ito maaaring gawin maliban na lang kung ito ay pribadong transaksyon o kasunduan sa pagitan ng employer at empleyado),” ani Bello.

Simula nang manalasa ang pandemiya, tinatayang 13,127 na mga kumpanya ang nag-lay off ng kanilang mga manggagawa o nagsara nang permanente, habang 116,471 namang iba pa ang pansamantalang nagsara o nagpatupad ng flexible working arrangements, batay sa datos ng DOLE.

LATEST

LATEST

TRENDING