‘Akala ‘nyo ‘di ko nakikita’: Roque, nag-react sa mga nag-viral nitong memes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque
Kuha ni: Joan Bondoc (Inquirer)

Muling nag-viral sa social media si Presidential Spokesperson Harry Roque nang maging laman ito ng memes tungkol sa kanyang pag-iimbita sa taumbayan na magpunta sa isla ng Boracay.

Kamakailan ay bumisita si Roque sa tanyag na isla matapos itong buksan sa mga turista na manggagaling sa mga general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) areas simula Oktubre 1.

Nagdaos din si Roque ng ilang press briefings sa isla at nag-share ng kanyang larawan kung saan nakasuot ito ng swimming attire.

Nagpost din ang kanyang official Facebook page ng video, na tila isang official tourism advertisement. Makikita rito si Roque na nag-iikot-ikot sa iba’t-ibang bahagi ng isla.

Gayunpaman, ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay ang larawan ni Roque kung saan makikita itong nakadipa, habang nasa harapan ng dalampasigan, para imbitahin ang mga turista na magtungo sa Boracay.

Hindi naman ito pinalagpas ng mga netizens, kung saan ginawan ng iba’t-ibang memes ang nasabing larawan. Napansin naman ito ni Roque at ipinost ang ilan sa mga ito sa kanyang official Facebook page noong Oktubre 7.

Aniya, “Akala ‘nyo ‘di ko nakikita. Tawa lang kayo.”

Narito ang ilan sa mga memes na shinare ni Roque sa kanyang Facebook page:

Akala nyo di ko nakikita. Tawa lang kayo. #kalmaAkoLangTo Ctto 😝

Posted by Harry Roque on Tuesday, October 6, 2020

LATEST

LATEST