
Sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco noong Oktubre 9 na ang kanyang pagiging malapit sa pamilya Duterte ay nakatulong sa kanyang karera sa pulitika at upang marating ang kanyang posisyon ngayon.
Aniya, “I won’t deny that. I’m just a lowly congressman from the island province of Marinduque. Napakaliit lang namin.”
Kasalukuyang iginigiit ni Velasco ang kanyang “karapatan” sa pagiging House Speaker sa ilalim ng isang term-sharing agreement na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, nakatakdang maging Speaker si Cayetano sa unang 15 buwan ng 18th Congress, pagkatapos ay papalitan naman ito ni Velasco na magsisilbi sa nalalabing 21 buwan.
Oktubre 14 ang itinakdang petsa para sa turnover ng House Spekearship, subalit sinuspinde ni Cayetano ang sesyon ng Kamara hanggang Nobyembre matapos aprubahan ng mga mambabatas ang 2021 national budget sa ikalawang pagbasa.
“Ako kasi, I just want to work quietly, silently sa committee ko. But because of my closeness to the Duterte family, to President Duterte, bigla tayong na-propel dito,” ani Velasco.
Dagdag pa nito, “My loyalty is to the President because I believe he is fighting for the Filipino nation. My loyalty to the President is my loyalty to my country (Ang katapatan ko ay sa Pangulo dahil naniniwala ako na ipinaglalaban niya ang bansa. Ang katapatan ko sa pangulo ay katapatan ko sa bansa).”