Tanggapan ni PRRD, ‘pinag-aaralan’ ang COA findings tungkol sa travel request at mga donasyon: Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

“Pinag-aaralan” ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings ng Commission on Audit (COA) hinggil sa unused donations at travel request violation nito, pahayag ng Malacañang noong Oktubre 9.

Sa isang ulat na inilabas noong Oktubre 8, pinuna ng COA ang Office of the Deputy Executive Secretary for General Administration (ODESGA) dahil sa pagpapahintulot nito sa foreign travel ng mga opisyal kahit na ang mga requests para rito ay isinumite nang hindi naaayon sa required period bago ang itinakdang pag-alis.

Batay sa isang memorandum circular, ang mga travel requests ay dapat isumite nang hindi bababa nang sampung araw bago ang pag-alis, o dalawang araw para naman sa mga “extremely justifiable cases,” diin ng COA.

Ang nasabing late requests ay nauwi sa “delayed processing and releasing of travel authorities by 2 to 185 days, and the incurrence of foreign travel without legal basis.” 

Pinuna rin ng COA ang hindi pa nagagamit na grants at donasyon ng Office of the President na nagkakahalaga ng ₱1.4 bilyon, na puwede sanang inilaan sa agrarian reform, calamity assistance, at rehabilitasyon ng mga mahihirap na lugar.

As per the Office of the Executive Secretary, the Office of the President is already working on the guidelines and studying how to best address the findings of the Commission on Audit (COA), which include how donations will be effectively and efficiently utilized (Base sa Office of the Executive Secretary, tinatrabaho na ng Office of the President ang guidelines at pinag-aaralan kung paano tutugunan ang findings ng COA, kung saan kabilang ang epektibo at episyenteng paggamit ng mga donasyon),” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang tanggapan ni Duterte ay may P8.201-bilyong badyet ngayong taon.

LATEST

LATEST