Duterte, nais bigyan ng national IDs ang 92M Pinoy sa dulo ng kanyang termino bilang pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sample ng National ID

Aarangkada na sa Lunes, Oktubre 12 ang registration para sa government national ID system para mabigyan ng “legal identity” ang tinatayang 92 milyong Pilipino.

Sa nasabing petsa, mag-ummpisang magbahay-bahay ang mga enumerators ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 664 ng mga lungsod at munisipalidad na sakop sa 31 lalawigang may klasipikasyon bilang “low-risk” areas. Layon ng mga ito na kumalap ng demographic information tulad ng gender, date of birth, blood type at address.

Ito ang una sa three-phase approach ng PSA para protektahan ang parehong mga enumerators at target individuals laban sa Covid-19. Ang unang hakbang na ito ay magpapatupad ng appointment scheme para sa pagkuha ng biometrics – fingerprint, iris scan at litrato – na siya naman ikalawang phase na magaganap mula dulo ng Nobyemnre hanggang Disyembre 30.

Ang National ID cards naman na naglalaman ng Philippine Identification System (PhilSys) number ay ipamamahagi simula 2021, ang huling hakbang, ayon sa PSA.

Ang kasalukuyang target ng PSA ay magkapagrehistro ng 5 milyong padre de pamilya ngayong taon, subalit inaasahan na posibleng umabot ito sa 9 milyon para sa first phase.

“By January 2021, the registration for PhilSys will be nationwide,” ani national statistician Claire Dennis Mapa noong Oktubre 9.

Dagdag pa nito, “The target of the government remains… complete registration and issuance of PhilSys numbers at the end of June 2022. Our target is 92 million despite the challenges posed the COVID-19 pandemic.”

Ang pag-uumpisa ng phase one sa Lunes ay magsisilbing unang hakbang para masunod ang isa sa  United Nations Sustainable Development Goals na makapagbigay ng “legal identity para sa lahat sa taong 2030.”

Layon nitong mabigyan ng identidad ang mga indigents, mga tribo, mga matatanda, at bulnerableng populasyon upang magkaroon ang mga ito ng access sa mga serbisyo ng pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING