Pulse Asia: 8 sa bawat 10 Pinoy, aprubado sa Covid-19 response ng Duterte admin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Walo sa sampung Pilipino ang aprubado sa pagtugon ng administrasyong Duterte sa Covid-19 pandemic, ayon sa resulta ng isang Pulse Asia survey noong Oktubre 8.

Batay sa isinagawang survey mula Setyembre 14 hanggang 20, 84 percent gn mga Pilipino ang may “positibong opinyon tungkol sa ginagawa ng administrasyong Duterte sa pagpigil sa coronavirus.”

10 percent naman sa mga ito ang neutral, habang 6 percent naman ang hindi sang-ayon.

Lumabas ang resulta ng nasabing survey kasabay nang pagtatamo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 91-percent approval rating habang nasa gitna ng krisis.

Sa kabuuang 1,200 respondents, 84 percent ang aprubado sa financial assistance ng pamahalaan, 9 percent ang neutral, habang 7 percent ang dismayad, base sa September 2020 Ulat ng Bayan national survey.

Simula nang maitala ang unang Covid-19 patient sa bansa noong Enero 30, 97 percent pa rin ng mga Pilipino ang nangangambang mahawa sa nakamamatay na sakit.

One percent ng mga respondents naman ang impartial habang 2 percent ang walang pangamba ukol dito, dagdag pa ng Pulse Asia.

Batay sa datos noong Oktubre 7, sumampa na sa 329,637 ang Covid-19 cases sa bansa, kung saan ika-20 na ito sa may pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa buong mundo. Isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng Covid-19 cases sa Southeast Asia.

Kabilang din sa datos ang 5,925 na mga nasawi at 273,723 na mga gumaling. 49,989 namana ng active cases.

Ayon sa Pulse Asia, ang isinagawang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews ay may ±2.8 percent error margin sa 95 percent confidence level.

LATEST

LATEST

TRENDING