Palasyo: Resignasyon ng PhilHealth senior execs, ‘hakbang tungo sa tamang direksyon’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PhilHealth President at CEO Dante Gierran

Ang resignasyon at retirement ng 43 senior officers ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ay “isang hakbang sa tamang direksyon,” pahayag ng Malacañang noong Oktubre 9.

Nangyari ito matapos ipatupad ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran ang isang board resolution para sa lahat ng mga senior officers mula Salary Grade 26 pataas na magbitiw bilang courtesy resignation bunsod ng mga alegasyon ng kurapsyon sa ahensya.

“Pumalpak” umano si dating PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na ipatupad ang nasabing resolusyon, wika naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

We commend PhilHealth PCEO Gierran for his display of decisiveness (Pinupuri namin si PhilHealth PCEO Gierran dahil sa kanyang paninindigan),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “We consider this latest development in PhilHealth a step in the right direction as this is in line with President Rodrigo Roa Duterte’s directive to reorganize the state health insurer, make erring officials accountable and give the agency a fresh start (Kinokonsidera namin ang huling development sa PhilHealth bilang hakbang tungo sa tamang direksyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-reorganize ang ahensya, para panagutin ang mga kurap na opisyal at mabigyan ng bagong simula ang ahensya).”

Inirekomenda ng isang Senate panel noong Setyembre ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Health Secretary Francisco Duque III, chairman ng PhilHealth board, at iba pang dati at incumbent officials ng ahensya dahil sa mga anomalya.

Ibinunyag ng mga whistleblowers sa mga mambabatas na ibinulsa ng ilang PhilHealth officials ang aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya, at inaprubahan din ang requests para sa overpriced projects at fund release para sa umano’y pinapaborang mga ospital.

LATEST

LATEST

TRENDING