Pagsisi sa Kamara tungkol sa naantalang badyet, ‘unfair’: Villafuerte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magiging “unfair” umano kung sisisihin ang Kamara sakaling isang reenacted budget ang gagamitin ng bansa para sa 2021, dahil puwede naman aniyang ipasa sa oras ng Senado ang panukalang badyet para sa 2021, giit ng isang kongresista noong Oktubre 8

Isusumite umano ng Kamara sa Senado ang printed version ng budget matapos itong aprubahan sa ikatlong pagbasa na gaganapin sa Nobyembre 17, wika ni Deputy Speaker LRay Villafuerte. 

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang General Appropriations Bill (GAB) noong Oktubre 6 at sinuspinde rin ang sesyon hanggang Nobyemnre 16. Gayunpaman, hindi umano ihihinto ang pagtrabaho sa mga amendments ng GAB kahit naka-break.

Ayon kay Villafuerte, “isasapinal ng mga mambabatas ang lahat mula Nobyembre 5 hanggang 10.”

Bibigyan ng printed copies ang mga representante “bilang reference” sa Nobyembre 14 o mas maaga pa at aaprubahan ito sa Nobyembre 16.

When we forward on November 17, the senators have at least 2 weeks and they can even have more (Kapag isinumite na namin sa Nobyembre 17, may hindi bababa nang dalawang linggo ang mga  senador at puwede pa silang magkaroon ng mas mahabang panahon),” ani Villafuerte.

Dagdag pa nito, “Their concern really is to pass the budget, but for them to blame the House is unfair because in the past, they passed the budget in 7, 8 days (Layunin nilang ipasa ang badyet, pero hindi naman patas kung sisisihin ang Kamara dahil dati ipinasa nila ang badyet sa loob ng pito o walong araw lamang).”

Puwede umanong ipagpatuloy ng mga senador ang deliberasyon sa badyet kahit naka-break ang mga kongresista dahil ginawa na umano ito dati.

Maaari ring magpulong ang dalawang sangay ng Kongreso sa isang bicameral conference sa unang linggo ng Disyembre, dagdag pa nito.

Nang tanungin kung ano ang reaksyon ni Villafuerte nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na isang “bad judgment” para sa Kamara ang pag-postpone sa huling pagbasa ng badyet, sinabi nitong: “Let’s see na lang what happens. ‘Pag ma-delay, we’ll take full responsibility—if it gets delayed.”

But the Senate should also do their part in making sure it is not delayed…They should show the people also that they’re willing to work to ensure the passage instead of just blaming the House (Subalit dapat ding tiyakin ng Senado na hindi ito delayed… Dapat ipakita nilang tatrabahuhin nila ito sa halip na sisihin na lamang ang Kamara),” diin ni Villafuerte.

Dagdag pa nito, “If they delay it, then they’re just pointing fingers at the House, whereas they could have done something to ensure its passage (Kung i-delay nila ito, nagtuturo lamang sila sa Kamara para sisihin ito, kung saan may nagawa sana sila para siguruhin ang pagpasa nito).”

LATEST