DOH: PH, hinihintay na lamang ang go-signal ng WHO para sa Solidarity Trial

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Shutterstock (siam.pukkato)

Tiniyak ng Department of Health (DOH) noong Oktubre 7 sa publiko na maaari nang makapag-umpisa ang bansa sa pagsasagawa ng COVID-19 vaccine clinical trials kung magbibigay na ng go-signal ang World Health Organization (WHO) para sa Solidarity Trial.

“We are finalizing our preparatory activities already. So that when WHO signals na mag-uumpisa na po tayo we are already ready for these trials,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, nagsumite na ng clinical trial proposal ang study proponent mula Philippine General Hospital. Inaprubahan na rin ito.

Dagdag pa nito, “Clinical trial sites in the Philippines have also been identified. Together with WHO ‘yan. Pinag-aralan po. May criteria tayong isinet kung anong mga sites ang isasama natin for this clinical trial process.”

Unang sinabi ng pamahalaan na ire-recruit ang mga boluntaryo para sa nasabing trials mila sa lima hanggang sampung barangays sa bansa na may pinakamataas na ratio ng COVID-19 cases.

Dahil ipatutupad ito sa mga komunidad, iginiit ng DOH na nakikipagtulungan na ang ahensya sa mga local government units (LGUs). Kabilang dito ang pagbuo ng mga memoranda of agreement sa pagitan ng LGUs at mga kalahok na ahensya ng gobyerno.

“Para nakasaad d’yan (sa MOA) kung ano ang mga responsibilidad ng bawat ahensya as well as for the LGUs as well,” wika ni Vergeire.

Naghahanda na rin aniya ang health promotion bureau sa pagtulong nito sa mga komunidad.

We will engage the community so the community will be informed of this trial that will happen, what would be the advantages, what would be the possible na disadvantages or harmful effects of these vaccines and how it could benefit the community (Pupunta tayo sa mga komunidad upang ipagbigay-alam na mangyayari ang trial na ito, kung ano ang magagandang epekto, pati na rin ang posibleng masasamang epekto ng mga bakun at kung paano ito makaaapekto sa komunidad),” dagdag pa nito.

Bukod sa vaccine experts panel, na siyang responsable sa screening ng mga vaccine candidates at ang kanilang protocol para sa trial, gumagawa rin aniya ang pamahalaan ng data safety monitoring committee.

“Ito ‘yung sa monitoring ng pagbabakuna para mayroon tayong mga eksperto para ‘pag sinubmit sa kanila ang data they can readily analyze and provide further recommendation to the implementors sa Department of Health at mga local government units,” paglilinaw ni Vergeire.

Naghahanap din umano ang pamahalaan ng malalamig na storage facilities para sa mga bakuna, lalo na’t kinakailangang ilagay ang mga ito sa iba’t-ibang temperatura habang hindi pa ginagamit.

Bagama’t unang naiulat na posibleng magkaroon na ng bakuna kontra Covid-19 sa gitna ng 2021, sinabi naman ng WHO noong Oktubre 6 na posibleng sa dulo pa ito ng susunod na taon dumating.

LATEST

LATEST

TRENDING