Cayetano, kumakalap ng oras para makakuha ng boto sa pagka-Speaker: kaalyado ni Velasco

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano
Kuha ni: Boy Stantos (The STAR)

Ang pagmosyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukalang 2021 badyet at pagsuspinde sa sesyon ng Kamara ay paaran umano upang kumalap ito ng boto para mapanatili ang pagiging Speaker nito, ayon isang kaalyado ng kanyang karibal sa puwesto noong Oktubre 8.

Itinakdang mamuno sa Kamara si Cayetano sa unang 15 buwan ng 18th Congress o hanggang ngayong buwan, kung kailan ito papalitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para sa nalalabing 21 buwan ng 18th Congress.

161 na mga kongresista naman aniya ang nagpahayag ng pagsuporta kay Velasco, ayon kay Oriental Mindoro 1st District Rep. Salvador “Doy” Leachon, kaalyado ni Velasco.

Aniya, “S’yempre to buy time kasi kung magtatagal na naman there will be machinations they can do again to entice members to be on their side.”

Sensing there will be elections, they suspended it. As a consequence, the budget is actually sidelined contrary to the directive of the President to fast track it (Dahil nararamdaman nilang magkaka-eleksyon, sinunspinde ito. Bilang resulta, naantala ang badyet, taliwas sa direktiba ng pangulo na bilisan ang pagpapasa nito),” dagdag pa ni Leachon.

Unang nagbabala ang Senado na maaaring maantala ang pagpapasa ng 2021 badyet dahil sa desisyon ng Kamara.

Ang pagsuspinde umano ng sesyon bago ang itinakdang break ng Congress sa Oktubre 15 ay pumigil sa mga kongresista na lumahok at suriin ang badyet, giit ni Leachon.

Aniya, “With the termination of the sessions, (it was) not only unconstitutional but a violation of the rules (Ang pagwakas sa sesyon ay hindi lamang labag sa Saligang Batas kundi pati sa mga patakaran),” he said.

It is very clear in the Constitution that the (general) appropriations bill shall emanate from the House of Congress. The Senate cannot proceed because the copy they have is actually the NEP (National Expenditure Program). They have to see first the GAB originating from the House (Malinaw sa Konstitusyon na dapat manggaling ang GAB sa Kamara. Hindi maaaring tumuloy ang Senado dahil ang kanilang kopya ay ang NEP. Kailangan nilang makita ang GAB mula sa Kamara),” paliwanag ng kongresista.

Hindi pa aniya nabubusisi ang badyet ng 14 ahensya ng pamahalaan, kabilang ang health at education departments, diin ni Leachon.

“Dapat malaman namin ang readiness ng departments na ito with respect on how to make a rehabilitation program for the benefit of the Filipino people,” wika nito.

LATEST

LATEST

TRENDING