Paolo Duterte, dumistansya sa sigalot nina Cayetano at Velasco sa pagka-Speaker

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Deputy Speaker Paolo Duterte

Tumangging kumampi kahit kanino si Deputy Speaker Paolo Duterte noong Oktubre 8 tungkol sa kasalukuyang sigalot sa House Speakership, at sinabing dapat maghalal ang mga kongresista ng Speaker na kayang pag-isahin ang lahat ng miyembro ng Kamara.

If and when the day comes that we are called to select the leader of this House, I hope we vote for someone who is committed, who understands what we want to achieve for our constituents, and who can fight for and with us, and unify the 300 members of this House of Representatives despite our many differences (Kapag sumapit na ang araw na kailangan nating maghalal ng bagong lider, sana iboto natin ang taong nauunawaan kung ano ang gusto nating isakatuparan para sa ating mga pinagsisilbihan, at iyong kaya tayong ipaglaban, at pagkaisahin ang 300 miyembro ng Kamara bagama’t may mga pagkakaiba-iba),” pahayag ng Davao City 1st District representative.

Ang pagpili sa susunod na lider ng Kamara ay hindi umano dapat ibatay sa pagiging kaalyado, dagdag pa ng nakababatang Duterte.

Aniya, “And whatever may be the result of this, I humbly ask my colleagues to remain respectful to one another, and support whoever is the Speaker (Anuman ang maging resulta nito, hinihikayat ko ang aking mga kapwa kongresista na panatilihin ang respeto sa bawat isa, at suportahan kung sino man ang susunod na Speaker).”

Bilang “mabuting kaibigan” sa parehong sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco, tumanggi si Duterte na pumili kung sino ang kakampihan.

As I am all for a unified House, and given the value I place in every member of Congress, I refuse to make any statement that will favor or damage either of my two good friends who are both asserting their right to be our Speaker (Dahil gusto kong magkaisa ang Kamara, at sa pagpapahalagang ibinibigay ko sa bawat miyembro nito, tumatanggi akong magbigay ng pahayag na maaaring pumabor o sumira sa aking dalawang kaibigang naglalaban sa pagka-Speaker),” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING