Defensor, walang problema sa blocktime deal ng ABS-CBN sa Zoe TV

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor

Sinabi ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, isa sa mga mambabatas na nagbasura sa ABS-CBN franchise renewal application, na wala siyang problema sa blocktime deal ng network sa Zoe Broadcasting Network.

“I have no problem with that, because ito naman magiging blocktime ang arrangement nila diyan, it is not utilization of the of the franchise, it is the franchise of ZOE and they are buying into it,” paliwanag ni Defensor noong Oktubre 7.

Dagdag pa nito, “So ABS-CBN is still a corporation and it is within their right to do so (Nasa karapatan pa rin ito ng ABS-CBN bilang korporasyon).”

Inanunsyo ng ABS-CBN noong Oktubre 6 na magbabalik-telebisyon ang mga pili nitong programa sa Zoe TV, simula Oktubre 10.

Ang ZOE TV, na pag-aari ng religious leader at kongresistang si Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Church, ay nag-rebrand at ngayon ay tinatawag nang A2Z Channel 11.

Kasalukuyang iniere ng ABS-CBN ang mga programa nito online at sa cable channel nitong Kapamilya Channel, dahil sa pagtanggi ng Kamara na bigyan ito ng panibagong prangkisa noong Hulyo.

Nauna nang itinanggi ni Defensor na may personal siyang hinanakit sa ABS-CBN nang hindian nito ang franchise renewal ng network. Iginiit nitong ginagawa lamang umano nila ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala itong reaksyon hinggil sa blocktime deal sa pagitan ng ABS-CBN at Zoe TV.

LATEST

LATEST

TRENDING