Velasco, maghihintay pa hanggang Nobyembre para igiit ang pagiging Speaker dahil sa suspensyon ng House session

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Ang nangyaring pagsuspinde sa sesyon ng Kamara noong Oktubre 6 ay naging dahilan ng pagkawala sa oportunidad ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hamunin ang liderato ni House Speaker Allan Peter Cayetano hanggang sa muling pagbabalik ng mga mambabatas sa Nobyembre 16.

Umasang magiging Speaker si Velasco sa Oktubre 14 alinsunod sa isang term-sharing agreement kay Cayetano. Subalit, dahil sa nangyaring hakbang, naglaho ang pagkakataon si Velasco at ng kanyang mga kaalyado na ideklarang bakante ang pinakamataas na puwesto ng Mababang Kapulungan sa nasabing petsa.

Sinuspinde ang sesyon matapos putulin ni Cayetano ang deliberasyon para sa 2021 General Appropriations Act (GAA), na kinalauna’y inaprubahan sa ikalawang pagbasa.

Nangangahulugan itong hindi na maaaring igiit ni Velasco at ng kanyang mga kaalyado ang pag-upo nito bilang Speaker hanggang sa muling pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre.

Unang ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dumulog si Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hingin ang pahintulot nito para sa muling pagtakbo sa pagka-Speaker. Sinabi naman umano ni Duterte na may karapatan si Velasco alinsunod sa binuo nitong term-sharing deal.

Sinabi rin ni Velasco na ang hakbang ni Cayetano upang i-“maneuver” ang House Rules at ang kalendaryo ay patunay lamang ng pag-iwas nito sa itinakdang Speakership turnover sa Oktubre. 14.

Humingi naman ng paumanhin si Cayetano kay Duterte at sa publiko para sa nangyayaring hidwaan tungkol sa liderato ng Kamara.

Aniya,  “I sincerely apologize to the President that he had to hear that. Just like Cong. Velasco, I’m sorry to our people that we have to do this at this time (Humihingi ako ng sinserong tawad sa pangulo at narinig niya pa ito. Tulad ni Cong. Velasco, humihingi ako ng tawad sa taumbayan na ginagaw ito namin sa ganitong panahon).”

Humingi rin si Velasco na paumanhin noong nakaraang linggo hinggil sa sigalot nito kay Cayetano.

Kaugnay ng suspensyon sa plenary sessions nang mahigit isang buwan, sinabi naman ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na nasa “panic mode” umano si Cayetano dahil sa pangamba nitong aagawin sa kanya ni Velasco ang House Speakership sa nalalapit na hinaharap.

“Obviously, he is on a panic mode. He does not want to reach Oct. 14, because he knows he will be removed by the body. Marami ng congressman ngayon ang sawa na sa antics niya. Nakakahiya na, nahihiya na kami sa nangyayari sa Kongreso,” ani Atienza.

Ayon kay Atienza, ang mga ginagawa ni Cayetano ay para lamang sa sarili nito.

Aniya, “Ayan ang hirap, Cayetano is only for himself, with himself, by himself. Wala siyang sinusunod na payo, kahit ang Presidente ayaw niyang sundin.”

He is all about the Speakership…He doesn’t care about the budget (Pagiging Speaker lamang ang pinapahalagahan niya… Wala siyang pakialam sa badyet),” dagdag pa ng kongresista.

Hindi na rin umano kailangan pang magbotohan sa Kamara kung kusang bababa si Cayetano sa puwesto at susundin na lamang ang kasunduan nila ni Velasco.

“Kung siya ay tunay na maginoong miyembro ng Kongreso, meron siyang ipinangako, hindi kailangan ng eleksyon. On Oct. 14, if he is a real gentleman and an honorable member of the Congress, he should just step down,” giit ni Atienza.

Subalit, idiniin ni Atienza na dapat maghanda pa rin si Cayetano sakaling may maganap na botohan.

“Pero kung ayaw niya at gusto ng mayorya ng showdown vote, so be it. Harapin niya ang katotohanan. I strongly feel that there are more members of the Congress now who are accepting the fact that we should defend the word of honor given in July 2019,” wika ng mambabatas.

LATEST

LATEST

TRENDING