Roque: Mabilis na pagpasa ni Cayetano sa 2021 badyet, isang matalinong ‘political move’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Oktubre 7 na ang agarang pagpasa ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 2021 national budget at pagharang sa anumang hakbang na pababain ito sa puwesto ay isang matalinong “political move.”

Inaprubahan ng Kamara noong Oktubre 6 sa ikalawang pagbasa ang P4.5-trilyong 2021 national budget alinsunod sa mosyon ni Speaker Alan Cayetano. Sinuspinde rin ng mga kaalyado nito ang sesyon hanggang Nobyembre 16, bago pa man mangyari ang itinakdang turnover ng Speakership kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Oktubre 14 batay sa term-sharing agreement.

It is not illegal, but I would think it’s a very astute political move because it avoided intramural that could have possible happened in Oct. 14 (Hindi ito iligal, subalit sa tingin ko isa itong matalinong political move dahil naiwasan nito ang posibleng pangyayari sa Oktubre 14),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “For what it’s worth, you need to have the experience of Speaker Alan Peter Cayetano because he has dealt with the same rules, not only for 3 terms as congressman—this is already his fourth term as congressman—but also as a 2-termer senator (Kailangan mo ang karanasan ni Speaker Alan Peter Cayetano sapagkat alam na niya ang mga patakaran, hindi lamang sa tatlong termino bilang kongresista – ito na ang ikaapat niyang termino – kundi bilang senador din ng dalawang beses).”

Samantala, inakusahan naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si Cayetano ng paglabag sa House rules matapos umano nitong i-mute nang magtangkang tumanggi sa isinasagawang budget deliberations sa Zoom.

Whether you’re on Zoom or live, that has been done by the House leaderships, actually. it is not the first time in the history of either the House or the senate that mics have been muted (Kahit Zoom o live, ginawa na ito ng mga liderato ng Kamara. Hindi ito ang unang beses na isinagawa ng Kamara o Senado ang pag-mute sa mics),” giit ni Roque, isang dating kongresista.

Nang pinatalsik si dating Speaker Pantaleon Alvarez noong 2018, hindi umano narinig ang mga tinig ng mga tagsuporta ni noo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil nakapatay ang mga mikropono nito, dagdag pa ni Roque.

Itinakdang maging Speaker si Cayetano hanggang ngayong buwan, kung saan dapat itong papalitan ni Velasco sa ilalim ng binuong term-sharing deal ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Noong nakaraang linggo, inalok ni Cayetano na mag-resign subalit agaran itong tinanggihan ng mga kongresista.

Whether or not that is in compliance with the gentleman’s agreement, I leave that up to the parties (Ang dalawang panig na ang magpapasya kung susundin ang gentleman’s agreement),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “In an issue such as this, there is no judge. Even the courts cannot intervene because the organization and leadership of the House is a purely internal matter. And the Executive cannot really intervene in the choice of who next Speaker will be (Sa isyung ito, walang hukom. Hindi rin puwedeng makialam ang mga korte dahil purong usaping panloob ito ng Kamara. Hindi rin puwedeng manghimasok ang Ehekutibo).”

LATEST

LATEST