Duterte, ipinag-utos ang agarang pagsira sa mga nasabat na shabu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 5 sa mga ahensyang tagapagpatupad ng batas na agarang sirain ang mga nasamsam na iligal na droga tulad ng shabu sa susunod na linggo, upang maiwasan ang recycling at reselling ng mga ito.

Aniya, “I want all the shabu, residual or otherwise, however minimal, destroy the whole of it by next week. You have so many days to do it, one week. Do it in one week. Destroy and get specimen (Gusto kung sirain ang lahat ng shabu, residual man o hindi, gaano man kaliit, sa susunod na linggo. May ilang araw kayo para gawin ito, isang linggo. Gawin ito sa isang linggo. Wasakin at kuhanin ang specimen).”

We go by science, just the experiment. Why do we have to put on our shoulder the burden of keeping a contraband or merchandise that can be stolen and used and recycled (Sumusunod tayo sa agham, sa eksperimento. Bakit natin iaatas sa ating mga balikat ang pagtatago ng kontrabando o gamit na posibleng nakawin, at i-recycle),” dagdag pa ni Duterte.

Sa agarang pagwasak sa iligal na droga, sinabi ni Duterte na mas konti ang pagkakataon na ang mga ito ay ire-recycle upang muling ibenta sa merkado.

So we can more or less improve things, better protect the Filipino people, by doing a concerted action, immediately after, just a few, I hope the Supreme Court will agree with me, just a few days after they should be destroyed and be accounted for accurately (Mas mapoprotektahan natin ang mga Pilipino, sa pamamagitan ng pinagsamasamang aksyon, sana ay sumang-ayon ang Korte Supreme sa akin, ilang araw lamang matapos silang sirain),” dagdag pa ni Duterte.

Ang pagpuksa ng iligal na droga sa bansa ay ang pangunahing prayoridad ni Duterte, subalit sinabi ng mga kritiko na maraming human rights violations ang naisagawa sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Sa buong bansa, libu-libong mga drug personalities ang pinatay sa laban kontra droga simula nang maupo si Duterte sa pagkapangulo noong 2016.

LATEST

LATEST

TRENDING