PRRD, muling ipinagtanggol si Duque sa pagkakasangkot nito sa mga anomalya ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Health Secretary Francisco Duque III

Muling dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III noong Oktubre 5 sa gitna ng mga akusasyon laban sa kaugnay ng pagkakasangkot nito sa mga anomalya ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). 

Ayon kay Duterte, ang imbestigasyon sa PhilHealth ay hindi nakapagbigay ng sapat na ebidensiya para mapanagot si Duque sa umano’y mga kurap na aktibidad ng ahensya, tulad ng pagbili ng overpriced computers.

I have read the findings. For the life of me, I can’t really find a good reason to prosecute an innocent man (Binasa ko ang findings. Wala akong makitang magandang rason para sampahan ng reklamo ang isang inosenteng tao),” ani Duterte.

Inirekomenda ng isang inter-agency task force na nilikha ni Duterte ang pagsasampa ng mga kaso laban kay dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales at iba pang mga opisyal alinsunod sa imbestigasyon. Inaprubahan naman ni Duterte ang mga rekomendasyong ito.

Hindi nasama si Duque sa inisyal na reklamo, bagay na ikinadismaya ng mga mambabatas na naghahangad para sa kanyang resignasyon at pananagutan dahil sa pagkakasangkot nito sa mga anomalya ng PhilHealth.

Sinabi naman ng Department of Health (DOH) noong nakaraang linggo na nagpapasalamat ito sa patuloy na pagsuporta ng pangulo kay Duque. Subalit, iginiit naman ng Malacañang na hindi pa rin abswelto si Duque.

Noong Oktubre 5, binanggit ni Justice Sec. Menardo Guevarra na mas maraming PhilHealth officials ang mahaharap sa mga reklamo sa susunod na mga araw kaugnay ng mga tiwaling aktibidad sa ahensya.

LATEST

LATEST