NICA chief, tinanggihan ang pagpapakalat ng fake news sa social media

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
NICA director general Alex Paul Monteagudo

Itinanggi ng pinuno ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) noong Oktubre 4 na nagpapakalat ito ng maling impormasyon sa social media.

During the deliberation of the NICA (National Intelligence Coordinating Agency) budget, Congressmen Carlos Isagani Zarate and Sarah Jane Elago who are members of the Makabayan bloc… accused that my posts in my Facebook account are fake, implying that I am a purveyor of false information (Sa deliberasyon ng NICA badyet, inakusahan nina Cong. Carlos Isagani Zarate at Sarah Jane Elago na miyembro ng Makabayan bloc… na peke ang mga posts ko sa aking Facebook, at na ako ay nagpapakalat ng maling impormasyon),” pahayag ni NICA director general Alex Paul Monteagudo.

Dagdag pa nito,  “I, therefore, categorically deny the said accusations (Kaya naman tinatanggihan ko ang mga akusasyong ito).”

Umani ng pambabatikos si Monteagudo sa ginanap na House budget deliberations noong nakaraang linggo, matapos itong kwestyunin ng mga mambabatas dahil sa pagsha-share ng mga umano’y unverified at “unreliable” na mga impormasyon sa kanyang social media account. Kabilang sa mga nasabing posts ay ang pag-uugnay sa ilang mambabatas ng oposisyon sa mga grupong terorista.

Mariin naman itong tinanggihan ng opisyal at sinabing ang mga ipino-post nito sa kanyang personal na account ay mga impormasyong na nakikita niyang “inspiring, entertaining, o informative.”

I am sharing the posts because I believe that it is the duty of every Filipino to defend our Constitution, our democracy, and our people against groups such (as) the CPP/NPA/NDF that seek to violently overthrow our duly constituted government (Ibinabahagi ko ang mga posts dahil naniniwala akong tungkulin ng bawat Pilipino ang depensahan ang Konstitusyon, ang ating demokrasya, at ang ating mga tao laban sa CPP/NPA/NDF na layong pabagsakin ang pamahalaan),” dagdag pa ni Monteagudo.

Noong nakaraang dalawang linggo, tinanggal ng Facebook ang dose-dosenang Facebook accounts na kaugnay sa pamahalaan dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng social media activity at “coordinated inauthentic behavior.”

LATEST

LATEST

TRENDING