Bataan nuclear power plant, posible pang magamit: PNRI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Rene H. Dilan (The Manila Tims)

Puwede pa umanong magamit ang Bataan nuclear power facility bagama’t hindi ito nagamit nang ilang dekada, ayon sa Philippine Nuclear Research Institute noong Oktubre 4.

“Mali yung sinasabi ng iba na laspag. ‘Di pa nga ginagamit eh. Imbitahin ko kayo pumunta doon, ‘yan lang yung nuclear plant sa mundo na pwede ka mag-selfie sa loob ng reactor,” ani PNRI director Carlo Arcilla.

Tungkol naman sa kaligtasan nito, ang Bataan Nuclear Power Plant ay “60 percent younger” aniya kumpara sa 98 nuclear plants sa Amerika, dagdag ni Arcilla.

Aniya, “Pangalawa, kung ang sinasabi unsafe, sabihin natin ang Chernobyl, ang Chernobyl po kasi, iba ang design. ‘Yun ang tinatawag na Soviet design.”

“Lahat po ng nuclear plants na Western design, may takip. Ang tawag d’yan, containment structure. Kung sakaling may aksidente,. di kakalat. ‘Yun pong Chernobyl, walang ganyan,” dagdag pa nito.

Ang tinutukoy na Cherynobyl disaster ay tungkol sa pagsabog noong 1986 ng isang nuclear power plant sa Ukraine na ikinasawi ng dalawang manggagawa, at kinalaunan ng 28 na bumbero at emergency clean-up workers dahil sa Acute Radiation Sickness at isa naman dahil sa cardiac arrest, ayon sa International Atomic Energy Agency.

Tinatayang 200,000 katao ang naapektuhan bunsod ng insidente, at hindi bababa sa 1,800 ang nagkaroon ng thyroid cancer para sa mga bata hanggang 14 anyos nang mangyari ang tradhedya, dagdag pa ng IAEA.

Ang Bataan nuclear plant ay may kaparehong disenyo sa 3 power facilities sa South Korea, Slovenia, and Brazil, ani Arcilla.

“Kung bubuksan po ‘yan, meron tayong model na pagkukuhanan ng mga tao, spare parts,” wika nito.

Mas mura rin umano ang operasyon ng nuclear powerplants kumpara sa coal plants. Ang plantang nuclear ay kumokonsumo ng fuel sa loob ng 18 buwan sa halagang $20 milyon, habang ang plantang coal na kinakailangan ng 50,000 ng coal ay nagkakahalaha ng $600 milyon umano.

“Napakamura po ng production cost. ‘Yun po ang isang ino-offer ng nuclear, kasi it’s the cheapest and the cleanest. Kasi walang binubuga yan eh, walang binubugang emissions,” giit ni Arcilla.

“Ang cost kasi at least 1 half cheaper. Para sa taumbayan ito. Ang mahal kasi talaga ng kuryente sa Pilipinas, di lang sa kilowatt per hour. Ang sinasabi ko po dito yung proportion ng take-home pay na binabayad sa kuryente,” paliwanag nito.

Ginawa noong 1970s, nanatiling sarado ang pasilidad simula noong 1986, noong itinakda itong magbukas dahil sa pangamba tungkol sa malapit nitong lokasyon sa Mt. Natib, isang dormant na bulkan.

Noong 2017, bumisita sa bansa ang nuclear experts mula Russia at Slovenia upang suriin kung posible pang i-rehabilitate ang planta.

Nagsumite ang nuclear reactor builders na Korea Hydro & Nuclear Power Co Ltd at Rosatom ng Russia noong 2017 ng mga plano para i-rehabilitate ang Bataan plant, sa halagang naglalaro sa pagitan ng $1 bilyon at $3 bilyon, giit ni engineer Mauro Marcelo na dating nangangasiwa sa maintenance at preservation ng planta.

Ayon naman sa mga opisyal, kinakailangang sundin ng Pilipinas ang mga itinakdang requirements ng IAEA upang makapagpatakbo ng nuclear power facility.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque noong nakaraang linggo na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na konsultahin ng mga awtoridad ang mga residente ng Bataan tungkol sa posibleng pagbuhay ng nuclear power plant na matatagpuan sa Bataan.

LATEST

LATEST

TRENDING